
Ka-tandem ng ilang Kapuso celebrities ang kanilang kids sa pang-aaliw online ngayong enhanced community quarantine.
Kasabay ng walang-patid na paalala na sumunod sa precautionary guidelines para makaiwas sa 2019 coronavirus disease (COVID-19), nagbahagi rin ng ilang pampa-good vibes ang celebrities sa kanilang fans kasama ang kanilang mga anak.
Gaya ni Eat Bulaga Dabarkads Pauleen Luna at ng baby girl nila ni Vic Sotto na si Talitha. Magkasabay na sumayaw at pumalakpak ang mag-mommy sa isang video.
Ipinost naman ni Paolo Contis ang pagdisiplina niya sa baby nila ni LJ Reyes na si Summer. Bata pa lang, tinuturuan niya na si Summer ng good manners.
Modelling naman ang pinagkakaabalahan ni baby Brooklyn at ng mommy niyang si Pia Guanio sa makailang beses na pagpapalit ng damit ng una. Ayon kay Pia, idea raw ni Brooklyn ang maging belly dancer, catwoman, at Elsa.
Good girl at marunong na rin sa gawaing bahay ang mga anak ng StarStruck graduates na sina Katrina Halili at Yasmien Kurdi na sina Katie at Ayesha.
Samantala, TikTok naman ang pinagkakaabalahan ni Mars Pa More host Camille Prats at mga anak niyang sina Nathan, Nala at pati na rin si Nolan.
Ngayong mahigpit na ipinatutupad ang stay home policy, maiging sulitin ang mga libreng panahon para gumawa ng bagong memories, maliit man o malaki kasama ang pamilya.
Stay safe, mga Kapuso!
Panoorin ang buong 24 Oras report:
WATCH: Celebrity kids, busy sa homeschooling
Celebrities explore their new hobbies during quarantine