
Dahil nagkukulong sa kani-kanilang mga bahay ang publiko, kanya-kanya rin silang paandar sa kung anong pwede nilang gawin habang nakasailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon.
Marami na ang pumatol sa udyok at biro ni Pangulong Duterte na “home travel,” na ginawa na rin ng ilang celebrities.
Ngunit para sa ilang celebity kids and moms, ang home schooling ang best way para palipasin ang halos isang buwang pamamalagi sa bahay na bahagi ng regulasyong ipinatupad ng gobyerno upang pigilan ang pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Kabilang na rito ang Team Kramer na ginawang makabuluhan ang kanilang quarantine dahil sa paggawa ng household chores at tuloy din ang homeschooling nila kasama si Mommy-teacher Cheska Kramer.
At kaugnay ng nagaganap na krisis sa bansa, pinagawa ni Cheska sina Kendra, Scarlet at Gavin ng essay na may titulong “Love in the time of coronavirus.”
Gayundin si Kapuso actress Yasmien Kurdi at anak niyang si Ayesha. Ang kanilang pinagkakabalahan, vlogging at home schooling.
“Para makiisa sa government, hindi muna kami magpapabisita at home, saka wala muna tayong mga happenings, lahat ng parties cancelled muna lahat,” sabi ng aktres sa kanyang vlog sa unang araw ng quarantine.
Si Descendants of the Sun actress Chariz Solomon naman, ibinuhos ang oras sa pagtu-tutor sa kanyang mga anak.
Ilan sa mga subject na itinuro ni Chariz kay Ali ay English at Math.
Samantala, tutok din si Miss Universe Philippines National Director at Architecture Board Exam Top Notcher Shamcey Supsup sa remote work setup ng anak niyang si Nyla Kelsey.
Panooring ang buong 24 Oras report:
Related:
Ken Chan believes prayer is the most effective shield against COVID-19
IN PHOTOS: "Enhanced Community Quarantine" due to COVID-19 fuels memes, funny post