Showbiz News

'Mojofly' singer Lougee Basabas proudly shows baby bump of second child

By Cara Emmeline Garcia

Buntis sa kanyang pangalawang anak ang Mojofly singer na si Lougee Basabas at ang asawa nito na si Ali Alejandro.

Sa Instagram post ni Lougee kahapon, April 9, nag-share siya ng ilang litrato na kanyang kinuha noon at ngayon kasama si Ali at ang kanilang unang anak na si Leon Christof.

Sulat niya sa caption: “Then and now.”

Sa isang litrato, kitang-kita ang lumalaking baby bump ni Lougee habang suot suot ang yellow gingham dress niya.


Kaugnay nito, nagbigay na rin ng hint si Lougee sa kanyang Instagram Story na siya'y nagdadalang tao noong October 2019 pa at sinamahan pa ito ng isang sonogram.

Aniya sa Instagram story, “My awkward bump at 3 months”

Si Lougee ay ang lead vocalist ng alternative/pop rock band na Mojofly.

Siya rin ay isang former Eat Bulaga dabarkad.

Ikinasal siya sa kanyang bandmate na si Ali Alejandro noong December 2015 sa Balesin Island Club. Mayroon silang isang anak, Leon Christo Alejandro, na pinanganak noong August 2016.

Congratulations, Lougee at Ali!

TRIVIA: What happened to 'Eat Bulaga' rakista Lougee Basabas?