Showbiz News

Dianne Medina at Rodjun Cruz, may pangalan na para sa kanilang baby

By Dianara Alegre

Inanunsiyo ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina ang kanilang pagbubuntis nitong April 12, Easter Sunday.


Ayon kay Dianne, anim na brand ng pregnancy test ang ginamit niya para matiyak na buntis siya.

“Masayang-masaya kami nung nalaman naming na magkaka-baby na kami kasi ever since this is a dream for me, talagang dream come true,” kuwento ni Dianne.

Sinabi naman ni Rodjun na naiyak siya nang madiskubreng buntis ang asawa.

“'Yung feeling iba, e. Parang nakakaiyak. Sobrang saya na God is faithful talaga sa amin and answered prayer 'to,” lahad ni Rodjun.

Protective rin umano ang Kapuso actor sa kanyang mag-ina lalo na ngayong may may banta ng COVID-19 sa bansa.

“'Yung mga tao rin sa bahay malinis dapat. Kailangan naghuhugas ng kamay and protected din talaga. Kapag kailangang lumabas, kailangan naka-mask tapos naka-gloves and laging naliligo,” sabi ng aktor.

Ibinahagi rin ni Dianne ang kanyang pregnancy journey.

“Mayroon akong kapag minsan gusto ko 'tong pagkain na 'to today, bukas ayaw ko na siya or nasusuka na 'ko sa food na 'yon.

“Pero naging maselan din 'yung first trimester ko. It was really very crucial because my OB advised me to take a bed rest,” aniya.

May naiisip na rin umanong pangalan ang Kapuso couple para sa magiging baby nila.

“Kapag babar, siyempre alam n'yo naman wala na 'yung mommy ko and mommy ni Rodjun, we're planning na i-name 'yung baby naming sa name ng mom ko and sa name ng mom niya,” sabi ni Dianne.

Kung lalaki naman ang kanilang maging panganay, sabi ni Rodjun, “Kung lalaki kasi, junior ako, so iniisip naming kung gagawin ba namin na same na rin ng name ko pero magiging III 'yun or mag-isip pa kami ng pangalan talaga. Hindi pa kami sure.”

Seventeen weeks nang buntis si Dianne.

Panoorin ang buong 24 Oras report:

Celebrities congratulate Rodjun Cruz and Dianne Medina on their pregnancy