Showbiz News

Kamukha ba ni Serena Dalrymple ang anak nina LJ Reyes at Paolo Contis na si Summer?

By Aedrianne Acar

Curious ang celebrity mom na si LJ Reyes kung tama ba ang napapansin nang iba na magkamukha daw sina Summer at ang dating child star na si Serena Dalrymple.

LOOK: The life of child star Serena Dalrymple after leaving stardom

Sa Instagram post ni LJ, pinagtabi-tabi niya ang photos nina Serena, Summer at pati na rin child photo niya.

Ayon sa Kapuso star na noon pa man may nagsasabi din na may hawig sila ni Serena Dalrymple.

"I've getting comments lately na kamukha daw ni Summer si Serena Dalrymple.

"Actually when people see my photos when I was a kid I get the same comments! Ngayon, para magkaalaman na, pinagtabi-tabi ko na po ang pictures naming tatlo! “Isa pa.. isa pa.. isa pang....”

"PS sana alam pa ng millenials what I'm talking about! tsaka yung bata sa kanan parang may gagawing kalokohan..."

Marami namang netizen ang agree na may pagkakahawig si Summer sa dating child actress.


Matapos mag-kolehiyo si Serena Dalrymple sa De La Salle-College of Saint Benilde noong 2010 ay nag-migrate ito sa San Francisco, U.S.A.