What's Hot

Yasmien Kurdi payag bang pumasok sa showbiz ang anak?

By Dianara Alegre
Published April 30, 2020 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi and daughter Ayesha


Papayagan kaya ni Yasmien Kurdi ang kanyang anak na si Ayesha kung maisipan nito na pumasok sa showbiz?

Bukod sa pag-aaral ay pinagkakaabalahan din ni Kapuso actress Yasmien Kurdi at anak niyang si Ayesha ang paggawa ng iba't ibang video content.

Umaarte at kumakanta sila sa mga video. Kapansin-pansin din ang hilig at natural na galing ni Ayesha sa pag-arte, bagay na namana niya sa ina.

Ayon kay Yasmien, nasanay umano ito na humarap sa camera dahil bukod sa mayroon silang YouTube channel ay napapanood din ni Ayesha ang aktres na umarte.

Sunday happiness ❤️ #myhappypill #ayeshazara 📸: @rey_soldevilla

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on

“Nasasanay lang 'yung bata kasi nakikita niya na ini-interview ako. Minsan naman kasama din siya sa interview. Tapos nakikita niya rin 'yung work ko na umaarte ako in front of the TV.

“So I guess sanayan lang, nagba-vlog din kami so 'yung bata nasanay sa camera at nasanay magsalita, at talagang madaldal siya,” sabi ng aktres.

Siyempre, ang mentor ni Ayesha ay walang iba kundi ang Kapuso star. Dagdag pa ni Yasmien, ngayon pa lang umano ay binibigyan na niya ng acting tips ang anak.

“Lagi siyang makinig sa ka-eksena niya para alam niya kung anong isasagot niya pabalik. Ang lagi kong sinasabi sa kanya is to be natural,” aniya.

Sa murang edad ay nagtatanong na rin si Ayesha tungkol sa mga gusto niyang gawin in the future.

“Si Ayesha laging nagtatanong sa akin kung ano daw ang gusto ko para sa kanya. Pero siyempre ayaw ko naman i-impose at ayaw kong ma-acquire niya 'yung maging artista dahil artista ako.

“Siyempre gusto ko explore niya 'yung mga interest niya in life para sa dreams niya in the future,” dagdag pa ng aktres.

Hi Parents! #Promil4iShine 8 Talent Camp is offering Audie Gemora's Theatre Class online, FREE. Don't miss this chance to let your child be taught by the country's Theatre Master. Let us all use this time to #NurtureTheGift at home! Just follow the link and register to get exclusive updates: bit.ly/Promil4iShine Watch me and my daughter Ayesha Zara recreate the theatre class at home. Start your theatre journey with Trumpets Playshop: https://youtu.be/MNcB66WFLkM Make your own video share it with us and use the hashtags #Promil4iShine #NurtureTheGift @ideasyncph @audiegemora @kathleenfran

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi) on

Yasmien Kurdi and daughter Ayesha cover Michael Jackson's "Heal the World"

Samantala, dahil extended ang enhanced community quarantine ay binigyan din ni Yasmien ng tips ang parents para maging productive ang araw nila at ng kanilang mga anak.

“May mga free online classes na ino-offer ngayon na puwede n'yong ipakita sa mga anak ninyo,” aniya.

Panoorin ang buong 24 Oras report:

WATCH: Celebrity kids, busy sa homeschooling