Showbiz News

Precious Lara Quigaman, buntis sa kanyang third child!

By Dianara Alegre

Ibinahagi nina Miss International 2005 Precious Lara Quigaman at asawa nitong si Marco Alcaraz na buntis ang una sa pangatlo nilang anak.

Isinapubliko nila ang balita sa una nilang YouTube vlog nitong Huwebes, April 30.

Mayroon silang dalawang anak - sina Noah, seven, at Tobias na isang taong gulang pa lamang.

Dagdag pa nila, 18 weeks nang pregnant si Lara at mahirap para sa kanilang ang magpa-check up dahil sa enhanced community quarantine at banta ng COVID-19.

“Humihingi rin kami ng prayers sa inyo kasi si Lara kasi hindi pa siya nakakapunta sa hospital lately dahil sa nangyayari. We ask for your prayers,” pahayag ni Marco.

Abangan ang susunod nilang vlog dahil ikukuwento ni Lara ang kanyang mga pinagdaanan na aniya ay hindi ganoon kadali.

“I'm sure marami tayong matutulungan na mga mommies who are going through the same thing,” dagdag pa ni Lara.

Congratulations, Lara and Marco!

Precious Lara and Marco Alcaraz's Korean drama-inspired family photo shoot