GMA Logo Yasmien Kurdi and husband Rey Soldevilla
What's Hot

EXCLUSIVE: Yasmien Kurdi, worried ba para sa asawang piloto 'pag balik-trabaho na?

By Cherry Sun
Published May 4, 2020 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi and husband Rey Soldevilla


Inamin ni Yasmien Kurdi ang kanyang saloobin tungkol sa trabaho ni Rey Soldevilla bilang isang piloto.

Ibinahagi ni Yasmien Kurdi ang kanyang pangamba para kay Rey Soldevilla ngayong maaari nang muling ipagpatuloy ng kanyang asawa ang kanyang trabaho bilang isang piloto.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, inamin ni Yasmien na kahit nami-miss niya ang nakagawiang buhay bago magkaroon ng enhanced community quarantine ay sinusulit niya ang panahong ito para maka-bonding ang kanyang asawa at anak na si Ayesha Zara.

Panimula ni Yasmien, “Nag-iba nga lang 'yung routines natin, hindi siya 'yung usual na pupunta ka sa work."

Bahagi ng karaniwang araw ng aktres ngayon ang pagluluto ng pagkain para sa kanyang pamilya, pag-e-exercise, panonood ng Kapuso show, news reports o K-drama, pagba-vlog, at paggawa ng ibang activities kasama ang kanyang anak tulad ng pagsali sa online acting class.

Bigay-diin din niya, “Naging bonding time ito with the family like siyempre tine-take advantage mo na lang din itong opportunity na 'to to bond with your family na usually hindi mo nagagawa kapag busy ka sa work.”

Ngayong pinaluwag na ang mga patakaran ng community quarantine, maaari nang magpatuloy ang ilang trabaho tulad ng airlines. Ano kaya ang pakiramdam ni Yasmien kung sakaling balik-trabaho na bilang piloto si Rey?

Pag-amin niya, “Siyempre nandoon pa rin 'yung worried ako 'pag nag-resume 'yung operations nila dahil mas magiging mataas 'yung exposure niya doon sa virus. Pero siyempre 'di ba trabaho nila 'yun, call of duty nila 'yun. Trabaho nila 'yun so they still have to do it, parang 'yung mga frontliner din natin 'di ba? Kailangan pa rin nila gawin kahit delikado. Extra ingat lang siguro pagdating sa routines pag-uwi sa bahay after work.”

Panoorin:


Yasmien Kurdi payag bang pumasok sa showbiz ang anak?

#CasaSoldevilla: Get starstruck with the beautiful home of Yasmien Kurdi