Showbiz News

Marian Rivera stars in tribute video for mothers titled 'Maliit Na Bagay'

By Cherry Sun

Marian Rivera stars in another video under the creative helm of her husband Dingdong Dantes. This time, the couple pay tribute to mothers as they interpret Yan Yuzon's poem titled “Maliit Na Bagay.”

“Maliit Na Bagay” runs down most of the little, mundane things our mothers do that actually depict the immentsty of maternal love.

An excerpt from the poem reads, “Pagwalis at paglampaso. Pagligpit ng laruan. Pagpalit ng damit sa tuwing ika'y papawisan. Pagturo sa bawat letra nang magsanay kang bumasa. Paghatid ng tubig sa tuwing ika'y nauuhaw. Pag-angat sa iyong kumot tuwing ika'y giniginaw. Paghaplos sa iyong pisngi Habang pikit ang iyong mata, Kung maaari lang hanggang sa panaginip mo'y Aalagaan kita.”

Zia and Sixto also join their mom in the video.

Watch this:

MALIIT NA BAGAY (ni Yan Yuzon) Ang aking mga kamay ay sanay Sa paggawa ng maliit na bagay. Ang pagpagpag? Pagtupi? Paghain ng agahan? 'Sus. Maliit na bagay! Ang pagkusot, pagpiga, Pagbanlaw at pagsampay-- Naman. Maliit na bagay! Walang pansing hinihingi. Walang singil na kabayaran. Bukal sa aking kalooban. Naghahangad lamang magbigay-- Ng maliit na bagay. Pagsaing. Paghalo. Paggisa. Pagtimpla. Paghiwa, pagtadtad, pagsigang, paglaga, pag-adobo, pag-tinola, pag-menudo, pag-kaldereta... At marami pang iba. Wala namang mahirap diyan. Kayang kaya ni Nanay. Hindi ba't sabi ko ako'y sanay Sa maliit na bagay? Pagwalis at paglampaso. Pagligpit ng laruan. Pagpalit ng damit sa tuwing ika'y papawisan. Pagturo sa bawat letra nang magsanay kang bumasa. Paghatid ng tubig sa tuwing ika'y nauuhaw. Pag-angat sa iyong kumot tuwing ika'y giniginaw. Paghaplos sa iyong pisngi Habang pikit ang iyong mata, Kung maaari lang hanggang sa panag-inip mo'y Aalagaan kita. Maliit na bagay-- Ngunit saan nagmumula? Sa pag-ibig na sa lawak ay higit pa sa daigdig. Malalim pa sa dagat at mataas pa sa langit. Misteryo nga kung paanong ang pag-ibig ay naisiksik, Sa puso kong munti na halos manakit-- Sa ubod ng laking pag-ibig! Hindi nababasa ang isip. At dinig lamang ang salita. Pero damang-dama ang gawa-- Ng aking mga kamay. Mga kamay na sanay-- Sa maliit na bagay. @yanyuzon @munkeymusic @evan.aranas

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) on


Earlier, Marian and Dingdong have also paid tribute to mothers through a video for #KapitNanay.

#TeamDantes: The growing, beautiful family of Dingdong Dantes and Marian Rivera

IN PHOTOS: Celebrities celebrate motherhood on Mother's Day

IN PHOTOS: Celebrity dads honor their wives on Mother's Day