Showbiz News

JUST IN: Maricris Garcia is pregnant!

By Aedrianne Acar

Isang biyaya ang natanggap ni Maricris Garcia at kanyang non-showbiz husband na si TJ Cruz, ang pagbubuntis ng singer-actress sa kanilang unang baby.

Sa Instagram post ni Maricris ngayong Sabado, May 16, sinabi ng Pinoy Pop Superstar grand champion na matagal nilang ipinagdasal ito.

"Walang mapagsidlan ang aming tuwa! Sa wakas, dininig Niya ang matagal na naming dasal. Ngayon palang mahal na mahal na kita."


Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kaibigan at katrabaho sa showbiz ni Maricris tulad nina Regine Velasquez-Alcasid, Carla Abellana, at LJ Reyes.

Ikinasal si Maricris at TJ Cruz sa San Antonio de Padua Church noong December 2016.

LOOK: Maricris Garcia and TJ Cruz get married