GMA Logo Jak Roberto at Sanya Lopez
What's Hot

Jak Roberto, napaiyak si Sanya Lopez matapos hindi pansinin dahil sa isang prank

By Cherry Sun
Published June 3, 2020 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: PrimeWater to be held liable if proven at fault
Brandon Espiritu recommends this workout as a running alternative
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

Jak Roberto at Sanya Lopez


“Walang pumpansin sa akin.” Nag-walk out na lang at naluha si Sanya Lopez matapos hindi pansinin ni Jak Roberto at ng kanilang mga kasama sa bahay.

Nagtagumpay si Jak Roberto sa kanyang pag-prank sa kapatid na si Sanya Lopez.

Kinausap ni Jak ang lahat ng nakatira sa kanilang bahay na dedmahin si Sanya. Kaya kahit magkakasama sila sa iisang kwarto para i-celebrate ang birthday ng kanilang aso, nagtataka si Sanya kung bakit tila hindi siya naririnig at nakikita ng kanyang mga kasama.

Noong una ay kuntento pa ang aktres na kausapin na lamang ang kanilang mga aso ngunit nang tumagal ay nagtampo na ito.

Nag-walk out si Sanya at sinundan siya ni Jak upang komprontahin at sabihang nabiktima siya ng prank.

Ani Sanya bago tuluyang umiyak, “Hindi n'yo nga ako pinapansin. Parang kasi pakiramdam ko wala ako doon. Umakyat na lang ako, hindi ako importante doon eh.”

Tawang-tawa si Jak nang makunan ng video ang drama ng kanyang kapatid. Kinausap din niya si Sanya na magpanggap na sila ay nag-aaway para gantihan naman ang kanilang mga kasama sa bahay.

Panoorin:

Sa parheong video, ibinahagi rin ni Jak na nakatanggap na siya ng Gold Play button mula sa YouTube dahil sa kanyang at least 1 million subscribers.

Jak Roberto at Sanya Lopez, paano nahilig mag-alaga ng mga aso?

LOOK: Sexy siblings Sanya Lopez and Jak Roberto

LOOK: Kapuso celebrities earn YouTube Play Button Award