Showbiz News

Paolo Contis, galit na galit sa nang-insulto kay Baby Summer

By Cara Emmeline Garcia

Hindi napigilan ni Paolo Contis ang umalma sa isang basher na ininsulto ang kanyang anak na si Baby Summer sa post ng partner niyang si LJ Reyes.

Sa nasabing post, ikinagagalak ni LJ ang priceless reaction ni Summer habang nakatitig sa isang bubble na gawa niya--isang achievement unlocked para kay LJ.

Ani ng Kapuso actress, “For the past days, Summer has been requesting for 'ba-ble' kaya naan super effort ako to make bubbles.

"After a few days of learning how to make bigger ones, natutunan ko na rin how to manipulate it! Amateur pa pero puwede na rin 'di ba?

“Sobrang naproud ako talaga not because I was able to learn it but because napapasaya ko si Summer in small things like this! I would gladly learn more for you baby ko!”

Naikuwento rin ni LJ na maraming facial expressions ang nagagawa ni Summer kaya napatanong siya sa kanyang fans, “Tingin niyo, kaninong facial mannerism niya yan nakuha? Sa akin o kay @paolo_contis?”

#RELATE: Summer Ayana's ECQ diaries makes her the most relatable baby during the lockdown


Marami man ang nagsabing super cute at adorable si Baby Summer, isang netizen ang pumuna, “Of course sa'yo. Masyadong gwapo si Paolo po. Pasensya na but Summer didn't get any of Paolo's looks. Kahit sa skin, 'di pinkish si Summer. Just saying.”

Banat ni Paolo, “Tang*** kang hayup ka! Gagawa ka pa ng pekeng accoung makapanggulo lang ng tao!

“Insult me all you want, but not my family! Magtago ka sa fake account mo pero 'pag nakita kita, 'yang mukha mo magiging bluish sa pasa hayop!”

Komento ni Paolo Contis sa netizen / Source: @lj_reyes (IG)

Hindi ito ang unang beses na nadismaya si Paolo Contis sa isang netizen na nanglait sa kaniyang anak.

Noong Mayo, idinaan ni Paolo sa isang Instagram Story ang kanyang galit nang sabihan na pango ang ilong ni Baby Summer.

Sambit ng comedian noon, “Hiyang hiya naman ako sa pagka perfect mo! @longliveels”

Sambit ni Paolo Contis sa netizen na nagsabing pango ang ilong ni Baby Summer / Source: @paolo_contis (IG)

Paolo Contis, tinutukan ang pagsusulat for 'Bubble Gang' habang naka-quarantine

LOOK: Paolo Contis turns daughter Summer into relatable memes