Showbiz News

Kate Valdez learns to cherish small successes through her father's guidance

By Dianara Alegre

Ngayong nalalapit na ang Father's Day, ibinahagi ni Kapuso actress Kate Valdez ang mga aral na natutunan niya sa kanyang ama na si Edmond Sisante.

Aniya, ilan sa mga pangaral na lagi niyang isinasaisip ay ang pagpapahalaga sa mga bagay na mayroon siya, maliit man o malaki.

“Kasi ako, kilala naman ako ng mga magulang ko na masaya ako kahit sa maliliit na bagay. So they keep on telling me na don't take things for granted.

“Pahalagahan mo 'yung mga bagay na mayroon ka, maliit man o malaki. Kasi malaking bagay 'yun sa 'yo para maging kuntento ka at source of happiness mo 'yun. Hindi ka na maghahanap ng mas higit pa.

“Kung ano 'yung mayroon ka, be thankful, you're blessed,” sabi ng aktres.

Kate Valdez serves retro glam vibes in digital magazine feature

Kate Valdez slays TikTok with her dance cover of "Yummy" by Justin Bieber

Samantala, ibinahagi rin ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday star kung ano ang isa sa mga hindi niya malilimutang memory kasama ang ama.

“Ang hindi ko malilimutan na sobrang special for me, when I was on Grade 2, every weekend galing sa work, hindi puwedeng hindi kami pupunta ng tiangge.

“Happy ako kasi maliit na bagay lang 'yon, kasama ko du'n 'yung dad ko. Something priceless for me na makasama ko siya,” dagdag pa niya.

Kate Valdez and Migo Adecer, to work on a new project under GMA Public Affairs and the NCCA

Kate Valdez now has over 800K followers on TikTok!