What's Hot

Iya Villania, ibinahagi ang reaksyon nina Primo at Leon kay baby Alana Lauren

By Dianara Alegre
Published July 21, 2020 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

iya villania alana lauren


Ipinakilala na ni Iya Villania kina Primo at Leon ang baby sister nilang si Alana Lauren.

Isinilang na ni TV host-actress Iya Villania ang kanyang third child na si baby Alana Lauren nitong Sabado, July 18.

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania) on

Ayon sa celebrity mom, magkaiba raw ng reaksyon ang dalawa pa niyang baby boys na sina Primo at Leon sa pagdating ng kanilang little sister.

Aniya, “Si Primo parang mas aware siya, 'tapos siya excited. Sobra siyang excited na makita 'yung kapatid niya even if ang gusto niya talaga ay baby brother.”

Dagdag pa niya, nalilito raw si Leon sa changes sa bahay at lifestyle nila.

“Naaawa ako kay Leon kasi parang… 'yung tingin niya parang, 'Ano 'yan,' 'tsaka, 'Sino 'yan?'

"Medyo nakatakot siyang lumapit 'tapos medyo umiyak siya ng konti. Sobrang alanganin ni Leon, pero ngayon, unti-unti na siyang lumalapit,” aniya.

Never imagined this is what 34 would look like for me 😆 it was a good day ❤️ thank you, Lord ❤️🙏🏼🤣 and thank you everyone for the love 🥰 📸 @drewarellano

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania) on

Samantala, maraming celebrities at fans ang nagpadala ng kanilang congratulatory messages sa Arellano family, lalo na kay Iya.

Bukod kasi sa napakagandang blessing na ito, mukhang hindi nahirapan si Iya sa panganganak dahil nagawa pa niyang i-document ang sarili at mag-post sa social media pagkatapos niyang manganak.

Celebrities, nag-react sa post-delivery photo ni Iya Villania

“It's really different for every woman. In my case, siguro malaking tulong din na nagwo-work out ako, na mabilis 'yung recovery ko.

"So, I really think that that's probably the major reason kung bakit siya nagmukhang madali para sa akin. But actually, hindi siya madali para sa akin,” lahad niya.

Samantala, laking gulat din umano niya nang malamang baby girl at hindi baby boy ang third child nila ng asawa niyang si Drew Arellano.

“Akala ko talaga lalaki, kaya 'yung huling ire ko, siyempre, give all ako sa huling push ko. 'Tapos, nakita ko na it's a girl!

"Mali ako the whole time. Mixed emotions ako,” saad niya.

Ibinahagi rin ni Iya kung anu-ano ang mga napansin niyang unique characteristics ni Alana mula sa dalawa niyang kuya.

“Matakaw siya sa tulog. Ang haba ng daliri niya. Mas malaki siya, ito 'yung pinakamalaki kong baby,” aniya.

Nakauwi na sina Iya at baby Alana nitong Lunes, July 20.

Pinasalamatan naman ni Iya ang mga doktor at nurse na nag-alaga sa kanya sa habang nasa ospital.