
Lubos na kilala na nina Cassy at Mavy Legaspi ang isa't isa kaya naman ikinuwento nila ang ilang trivia tungkol sa kanila na hindi pa alam ng karamihan.
Sa Kapuso Brigade ZOOMustahan noong July 17, nakapanayam ng ilang Kapuso fans sa isang Zoom video call ang Legaspi twins na abala sa kanilang Sarap, 'Di Ba? episodes na taped from home.
Dito naikuwento ng isa't isa ang kanilang hidden talent.
Ayon kay Cassy, may talento sa pag-guhit at artistic ang kaniyang twin brother na si Mavy. "Very artistic si Mavy. As in magaling siya mag-drawing ng cartoons. As in very, very good. Nagdo-drawing si Mavy ever since.
"Comics, anime. Magaling siya.
"Ako naman, I write short stories and poems. So sabi ni Papa Z (Zoren), sabi niya sana you guys made a book na ako magsusulat ng story tapos si Mavy magdo-drawing. "
Kuwento naman ni Mavy na mahusay magsulat ng mga tula at kanta si Cassy. "Si Cassy, magaling siya magsulat ng mga poems.
"Minsan, nagco-compose din siya ng ng kanta. So 'yan ang secret niya."
Binaggit din ng dalawa kung sino ang kanilang iniidolo sa showbiz, at ipinakita ng kambal ang kanilang paghanga sa kanilang mga magulang na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.
Saad ni Mavy, "Pag tinatanong sa akin kung sino ang hero ko or sino ang idol ko, wala akong sinasabing iba kung hindi ang Papa ko.
"So, given a chance, siguro ang Papa ko, kasi yung mga nagawa niya sa past, interesting talaga."
Para kay Cassy, bukod sa kaniyang ina, paborito niya rin si Julie Anne San Jose, "Besides mom, baka si Julie Anne San Jose.
"Kasi she's my idol dati pa and she was the reason why nag-practice ako ng piano and singing. I've been a fan talaga since before.
"Since Studio 7 days pa, nasa-satrstruck ako as in 'My gosh, si Julie!' Nakita ko si Julie backstage sa Studio 7, nakaupo lang siya. Tapos ako parang, 'Naku where will I sit?' Sabi ni Julie, 'Here.' Sabi ko, 'Oh my gosh! Magkatabi kami ni Julie Anne San Jose!' And now, we're friends. Oh my gosh! Dream come true talaga!"
Cassy and Mavy Legaspi taking virtual selfies with their fans.