Showbiz News

WATCH: Zoren Legaspi and Carmina Villarroel's jojowain o totropahin game

By Maine Aquino

Game na game sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel sa pagsagot sa jojowain o totropahin.

Ito ay ginanap sa live stream ni Carmina sa kanyang YouTube channel.


Umpisa pa lang ng game, may nahirapan na sa pagsagot ang mag-asawa. Ang host ng kanilang game ay ang kanilang anak na si Cassy Legaspi.

Ilan sa mga pangalang binanggit ni Cassy sa kanyang mommy at daddy ay sina Richard Gomez, John Estrada, Aiko Melendez, Ina Raymundo, at marami pang iba.

Meron ring Kapuso actress na naging co-star na rin ni Zoren na gusto niyang jowain. Si Carmina naman ay sinagot na jojowain ang aktor na naging sanhi ng pag-walkout ni Zoren.

Nabanggit rin si Piolo Pascual na inamin ni Carmina noon na muntik na niyang makarelasyon.

Panoorin sa video na ito ang nakakatuwang mga sagot nina Carmina at Zoren.


Ruffa Gutierrez tells Carmina Villarroel about past relationship with Zoren Legaspi: "Girl, wala namang overlapping!

Zoren, Mavy, and Cassy Legaspi share their birthday messages for Carmina Villarroel