Showbiz News

Mark Herras and Nicole Donesa reveal gender of their baby

By Jansen Ramos

Apat na araw matapos ianunsyo ang kanilang pagbubuntis, ibinunyag nina Mark Herras at Nicole Donesa sa kanilang YouTube channel ang gender ng kanilang first baby ngayong araw, September 18.

Base sa kanilang vlog, hindi naiwasang maluha ng soon-to-be parents nang malamang baby boy ang kanilang magiging anak na pinangalanan nilang Corky, kombinasyon ng mga pangalan nina Nicole at Mark, at salitang "baby."

Panoorin ang simpleng gender reveal party na isinagawa nina Mark and Nicole para sa kanilang baby dito:

Kahapon, September 17, sa livestream ni Nicole para sa Descendants of the Sun PH online show na DOTS How To Do It, ibinahagi niyang matagal na niyang hinalang lalaki ang kasarian ng kanyang ipinagbubuntis dahil sa kanyang mga ikinikilos.

Ika niya, "I think I'm having a boy 'coz I'm so tamad to get ready kahit iba-brush ko lang 'yung hair ko and konting lipstick, tamad na tamad akong gawin."

Sabi pa ng 26-year-old actress, "Ang sabi nila kasi like kapag babae daw 'yung anak mo, mahilig kang magkikay-kikay, mag-ready and ang active mo. Ako, no. I just wanna lay down and sleep tapos wala akong gana talaga kung 'di mag-listen ng music or watch TV, gano'n."

Nakatakdang isilang ni Nicole ang kanilang first baby ni Mark sa January 2021.