Showbiz News

Kiray Celis, may natutunan tungkol sa halaga ng pamilya ngayong quarantine

By Aaron Brennt Eusebio

Ikinuwento ng Kapuso actress na si Kiray Celis ang kanyang natutunan sa loob ng mahigit anim na buwang lockdown kasama ang kanyang pamilya.

Sa pakikipag-usap ni Kiray sa GMANetwork.com, inamin niyang na-realize niya kung gaano kaimportante ang kanyang pamilya sa kanyang buhay ngayong may pandemic.

Kuwento niya, “Okay naman. Ngayon, super busy ako sa pagba-bonding ko sa family ko.”

“Kasi bago nung COVID, o bago mag pandemic, mas pipiliin ko lumabas, kumain sa labas, manood ng sine with friends.

“Nakausap ko nga 'yung madreng na nagpapaaral sa akin last time, super tanda na niya.

“Pinag-uusapan namin 'yung pandemic. Sabi niya, 'May maganda at masamang naidulot 'tong pandemic na 'to.'

“Kasi parang pinagbuklod niya at mas lalo niyang pinagkaisa, parang mas minahal ko 'yung family ko, mas na-appreciate ko, mas nakilala ko.

“Ang saya, ang sarap sa feeling. Ang sarap din pala ng ganito na sila lang 'yung kasama ko, sila lang 'yung nakikita ko.

“Naka-focus ako sa pamangkin ko.”

Dagdag ni Kiray, hindi niya iniinda na wala siyang trabaho ngayong quarantine dahil masaya siya sa piling ng kanyang pamilya.

Dugtong niya, “Kahit wala pang work, kahit medyo mahirap ang buhay ngayon, hindi siya batid para mahalin mo sila nang buong-buo.”

“Minsan kasi, 'di ba, iniisip natin parang, 'Baka mahal lang ako nito o favorite ako nito kasi may kailangan.'

“'Di ba, kahit sa pamilya natin iniisip natin 'yun? Pero ngayon, wala, e. Pure talaga. Talagang solid, ang sarap sa pakiramdam.”

Inamin din ni Kiray na balak sana nilang i-celebrate sa Taiwan ang birthday ng kanyang kapatid pero hindi na ito natuloy dahil sa lockdown.

Mapapanood ang buong pahayag ni Kiray sa video sa itaas.

Source: kiraycelis (IG)

Kiray Celis, may bonggang surprise para sa kaarawan ng kanyang boyfriend

Kiray Celis celebrates birthday surrounded by 'SpongeBob Squarepants' and 'Lilo & Stitch' cakes