
Na-meet na ni Rayver Cruz ang kanyang pamangkin na si Rodolfo Joaquin Diego III o Baby Joaquin, anak ng kanyang kapatid na si Rodjun Cruz at asawa nitong si Dianne Medina, ayon sa Instagram post ng Kapuso Total Heartthrob ngayong araw, September 23.
Ipinost ni Ravyer ang kanyang larawan sa photo and video sharing site kung saan makikitang karga niya si Baby Joaquin habang naka-suot ng face mask.
"Hi baby," maikiling sulat ng Clash Master sa kanyang caption.
Sa comments section, hindi naiwasang biruin si Rayver ng netizens, gayundin ng fans nila ng kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez, na maaari na rin bumuo ng sariling pamilya ang aktor.
Screenshot from Rayver Cruz's Instagram account
"Kelan namin makikita ang baby n'yo ni Janine," tanong ng isang netizen kay Ravyer.
Isinilang ni Dianne ang kanilang first baby ni Rodjun na si Baby Joaquin noong September 10.