Showbiz News

Sanya Lopez at Jak Roberto, nag-shopping ng tiles para sa kanilang bagong bahay 

By Cara Emmeline Garcia

Isang loving kuya talaga si Jak Roberto kay Sanya Lopez matapos ikuwento niya na reregaluhan niya ng tiles ang nakababatang kapatid para sa kanilang bagong bahay.

Kuwento ni Jak, naisipan niyang bigyan si Sanya ng bagong laptop pero dahil sa dami ng online classes ay hindi siya nakabili para sa 24th birthday ng kapatid.

Naisipan na lamang niya na bayaran ang tiles na gagamitin para sa kanilang pinagagawang garahe lalo na't siya naman ang nag-suggest nito kay Sanya.

“'Yung bahay [ni Sanya] may garahe kaso nga lang 'yung bubong may leak,” sambit ni Jak.

“Sinuggest ko na gawin na lang terrace 'yun at pa-sementuhan na para nakalapat na mismo sa bahay at para wala nang leak. Nung ginagawa na, naisip ko na kailangan nang ipa-tiles.”

Biro pa ng Kapuso actor, “Ang hirap pa lang mag-suggest, guys. Pag nag-suggest ka, gastos mo.”

Nauwi sa mahigit 100 tiles ang nabili ng magkapatid sa hardware store na dinala pa ng dalawa sa bagong bahay ni Sanya.

Sa kahulihan, ipinangako nina Jak at Sanya na mag-a-upload sila ng house tour oras na matapos ang pinapagawang bahay.

Ani Jak, “Malapit na malapit na 'yung house tour na 'yan. Pagka natapos na 'yung garahe at nakapaglipat na kami ng gamit, siyempre hindi namin palalampasin 'yan.

“Panoorin niyo 'yan sa channel ni Sanya kasi ako ang magsisilbing videographer.

“Gusto kong maging maganda ang pagkakagawa dun sa house tour mo kasi first time natin magkaroon ng bahay. Actually, first time mo magkabahay kaya gawin nating special 'yan kaya siguro by next month may house tour na.”

Panoorin ang kanilang vlog dito:

Ibinida ni Sanya Lopez ang kaniyang bagong bahay sa Instagram noong August 2020.

Biro niya kay Cata Tibayan ng 24 Oras, “Feeling ko talaga malaking factor ang love life pagdating sa pag-iipon kasi kung siningit ko 'yun baka hindi ako masyado nag-focus.

“Pagdating sa pagtitipid, hindi ako mahilig lumabas at hindi rin ako mahilig bumili ng bags at shoes not unless importante at kailangan na kailangan ko talaga.”