Showbiz News

KMJS: Bossing Vic Sotto, sinabing may pagka-komedyante rin si Tali

By Dianara Alegre

Nakapanayam ni award-winning broadcast journalist Jessica Soho si Bossing Vic Sotto para sa episode ng programa niyang Kapuso Mo, Jessica Soho, na iniere nitong Linggo, October 11.

Ang pangunahing paksa na napag-usapan nila ay ang oras na naibibigay ni Vic sa bunso niyang anak na si Tali Sotto, sa loob ng ilang buwan niyang pamamalagi sa bahay bilang pagsunod sa community quarantine protocols.

Sa katunayan, bagamat apektado rin siya ng mga nangyayari sa bansa, natutuwa naman siya na sa ilang dekada na niya sa showbiz ay ngayon lamang siya nagkaroon ng mahabang panahon para makasama ang kanyang pamilya at makapagpahinga sa bahay.

“As a matter of fact, ako'y natuwa in a way kasi most of my life sa showbiz I always out of the house nagte-taping.

“Sa totoo lang, medyo may katamaran ako, e. Gusto ko nasa bahay lang. Hindi lang halata pero tamad ako talaga.

“Nu'ng magsimula 'yung quarantine, nandun 'yung feeling na maraming nahihirapan. Pero on a personal note, it gave me time for bonding with my wife and si Tali,” aniya.

Kasal si Bossing Vic kay Pauleen Luna, na co-host niya sa longest running noontime show na Eat Bulaga! Mayroon silang isang anak, ang two years old na si Baby Tali.

“Before the lockdown magkikita kami [Tali] sa umaga to say good bye. Pagbalik ko tulog 'yun. Bihira kami magka-time for bonding. Bonding lang talaga namin ng matagal 'yung 'pag magta-travel, bakasyon for a few days.

“Pero this time, si Tali talaga 'yung nakinabang nang husto rito sa quarantine natin,” aniya pa.

Samantala, naka-work from home setup si Bossing para sa Eat Bulaga! kaya bukod sa kanya ay 'tila nadagdagan pa ng isang Dabarkad ang kanilang grupo.

Ito ay walang iba kundi si Tali na lagi na ring napapanood sa Eat Bulaga! at nakikisabay sa kanyang daddy sa pagho-host.

“Kasi kapag naghihintay ako ng cue sa Eat Bulaga!, she would stay with me. Oras na nakita niyang nag-on 'yung monitor namin at nakita niya na 'yung sarili niya, nag-iiba ang histura nu'n,” dagdag pa ni Bossing.

Nang tanungin naman ng KMJS host kung ano ang nakikita niyang ugali kay Tali, sagot ni Bossing, “Madali siyang alagaan, e. She's very sweet. Siguro du'n niya nakuha sa nanay.”

Biro pa niya, “Sa tingin ko may pagka-comedienne, e. Ewan ko kung kanino nakuha 'yon.”

Panoorin ang espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho: