GMA Logo Dianne Medina family
What's Hot

Dianne Medina, nagpasalamat sa mga nagdasal para sa kanyang pamilya

By Aedrianne Acar
Published November 13, 2020 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Dianne Medina family


Kumusta ang lagay ng pamilya ni Dianne Medina matapos ang Bagyong Ulysses?

Walang pinipili ang bagsik ng Bagyong Ulysses (international name: Vamco)--mayaman o mahirap. Pinaramdam nito ang kanyang lakas at bagsik sa maraming tao na nakatira sa Luzon.

Kahit ang pamilya ng showbiz couple na sina Dianne Medina at Rodjun Cruz ay naapektuhan nang manalasa ang bagyo kahapon.

Dianne Medina

Sa kabutihang palad ligtas na ang pamilya ni Dianne lalo na ang kanilang baby na si Rodolfo Joaquin Diego III na ipinanganak niya noong September 10, 2020.

Base sa Instagram post ni Mommy Dianne na naging mahirap para kay Baby Joaquin ang pananalasa ni Ulysses.

Aniya, “Thank you Lord my baby Joaquin is now happy and comfy. We don't have electricity and water wawa my baby Joaquin--he was crying non stop.”

Hindi rin nakalimutan ng host-actress na magpasalamat sa lahat ng tao na ipinagdasal ang kanilang kaligtasan.

“Thank you sa lahat ng nagmessage we're okay zero flood kami, no electricity and water only so we decided to check in kasi kawawa si baby Joaquin.

“Thank you Lord for keeping us safe and for saving Joaquin's milk. Praying for everyone's safety.”

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina)

Ayon sa latest weather bulletin ng PAGASA, as of 4:00 a.m. today, ang mata ng Severe Tropical Storm Ulysses ay nasa 415 km West of Iba, Zambales.

Mayroon pa rin itong maximum sustained winds na 110 km/h malapit sa gitna at gustiness na aabot sa 135 km/h.

Related content:

Kapuso celebrities use social media power to inform the public about Typhoon Ulysses

Chariz Solomon, taos-pusong nagpasalamat sa security at maintenance personnel na naka-duty habang may bagyo

LOOK: Typhoon Ulysses's weird tail stretches across the Northern Pacific until Alaska