Showbiz News

Kris Aquino comments on fake news about Kuya Josh becoming a father

By Cara Emmeline Garcia

Nagsalita na si Queen of All Media Kris Aquino tungkol sa kumalat ang fake news sa YouTube na isang ama na ang kanyang panganay na si Kuya Josh Aquino.

Ayon kay Kris, nagalit siya nang mapanood n'ya ang video sa platform pero malaki ang pasasalamat n'ya sa kanyang kaibigang si Ogie Diaz na dinepensahan ang kanyang anak sa YouTube.

Aniya, “Like any parent, initially nung pinakita sa 'kin 'yung YouTube fake news about Kuya [Josh], nagalit ako.

“And then, pinanood ko ang kumapreng @ogie_diaz ko sa vlog n'ya and may tumatak sa 'kin -- Ogie said words to the effect na, 'Hindi naman natin tinatanggal ang posibilidad na maging tatay ang panganay ni Kris,' and dun ako nahimasmasan.”

Dagdag pa ng TV at social media personality, natuwa siya sa mga sinabi ni Ogie dahil maraming beses na naging “punching bag” ang kanyang anak dahil nasa autism spectrum ito.

Wika pa n'ya, “Because he is in the autism spectrum, he was made a punching bag on social media just because it was convenient when people wanted to play dirty politics.

“You [Ogie Diaz] made me feel that you saw him as a human being with the same right to love and be loved like everyone else.

“Many parents who raised or are raising children with special needs will identify with me. We know the challenges and we celebrate the victories. Kuya's desire for independence now is a WIN.”

Saad pa ni Kris, tanggap na niya na malabong mangyari para sa kanyang anak na magkaroon ng asawa at anak, pero masaya na rin siya at nakakita ng pagmamahal si Joshua sa kanilang bahay sa Tarlac.

“Tanggap namin na malabong mangyari for Josh to have a wife and children pero marunong talaga ang langit,” aniya.

“Binubuhusan s'ya ng sobra sobrang pagmamahal ng lahat ng mga pinsan ko at kapitbahay n'ya ngayon sa Tarlac because his HEART is pure and his affection is real.”

Sa dulo ng kanyang post, ipinahiwatig ni Kris na gusto rin n'yang magkaroon ng lovelife.

Biro pa niya, “Binabawi nung nanay, she also deserves to love and be loved.

“She didn't date, but just to be truthful, she did accept burgers, milkshakes pizza, cupcakes, coffee, tea, and other types of food, flowers, and gifts from people who won't be named.”

Dagdag pa ni Kris, “Technically, hindi ako nagsinungaling because for me a 'date' means kaming dalawa lang [obviously may sumama but in another table], kumain sa labas or nagdala sya ng pagkain in the serviced residence where we are staying, and nagsabi na can we have lunch/merienda/dinner? Tama ba ko or mali ang interpretation ko? Sorry ha BUT i don't know what 'the new normal' is..”

Basahin ang kanyang buong post dito:

Si Joshua Aquino o “Kuya Josh” ang anak ni Kris sa kanyang dating partner na si Philip Salvador.

Kasalukuyang nakatira si Josh sa Tarlac habang si Kris at bunsong anak na si Bimby Aquino ay nakatira sa isang rented home sa isang undisclosed location upang magpahinga at para alagaan ang kanyang sarili lalo na't mayroon pa ring COVID-19.

Ang isyu na ito ay isa sa maraming fake news na nilinaw ni Kris Aquino.

Tingnan ang iba pang mga kontrobersiyang kinasangkutan n'ya sa gallery na ito: