GMA Logo Aiai delas Alas and daughter Soph
What's Hot

Babaeng anak ni Aiai delas Alas na si Sophia, ga-graduate na ng kolehiyo

By Cherry Sun
Published March 7, 2021 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOLE 7 commends driver who rescued 6 in Liloan, Cebu
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai delas Alas and daughter Soph


Proud mom moment para kay Aiai delas Alas ang pagtatapos ni Soph. Basahin ang kanyang mensahe para sa kanyang unica hija rito:

Buong pasasalamat at pagmamalaking ibinahagi ni Aiai delas Alas na graduate na ng kolehiyo ang kanyang babaeng anak na si Soph.

Aiai delas Alas and daughter Soph

Ibinahagi ni Aiai ang latest achievement ng kanyang unica hija.

Pahayag ng Owe My Love actress, “Una sa lahat CONGRATULATIONS aking bunso at only daughter ko (Bachelor of Science Major in Early Childhood Education graduate). SOPHIA ANDREA DELAS ALAS at gagraduate na sya sa wakas wohoooo.

"Nagpapasalamat ako sa POONG MAYKAPAL AT MAMA MARY sa pag gabay sa akin bilang isang ina na maitaguyod ko ang pag aaral ng aking anak .. naiiyak ako sa tuwa aktwali naiiyak talaga ko so iiyak nako hehe.

Inihambing din niya ang accomplishment na ito sa kanyang pakiramdam nang pangalanan siyang Papal awardee.

“Parang nabigyan ulit ako ng papal award at international acting award sa nangyareng ito sobra sobrang trophy ito anak .. bawat magulang ay yan ang pangrap ang mapagtapos ang kanilang mga anak .. nagpapasalamat din ako kay miguel (papa ni budang) at sa kanyang maybahay na si Pricilla dahil noong wala pa kaming bahay sa Amerika doon tumira ang anak ko habang nag-aaral siya ng high school at first year college salamat @priscillasalud.

"Napakaagang pang Valentines at pa-bday ni Lord ito para sa akin.

“Salamat DLSU sa ilang taong pamamalagi niya sa unibersidad na yan. I am so proud of you baby girl budangdin, budang kulotski,budaski .. andrea .. I love you so dearly anak @sophdelasalas .. ANIMO LASALLE.”

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Kilalanin pa si Soph sa gallery sa ibaba:

#Blessed na sa mga anak, masuwerte pa sa buhay-pag-ibig si Aiai. Silipin ang blissful married life ng komedyante at ni Gerald Sibayan dito: