Showbiz News

Candy Pangilinan, ni-reveal na buntis pa lang siya pero binabalaan na siya ng ex niya na iiwan siya nito

By Aedrianne Acar

Magkahalong lungkot at tawanan ang naging panayam ni TV host-vlogger na Toni Gonzaga kay Candy Pangilinan tungkol sa pagiging isang single mom.

Trending sa YouTube Philippines ang one-on-one interview ni Toni kay Mommy Candy, kung saan isa sa tinalakay nila ang masalimuot na marital problem ng magaling na comedienne.

Ikinasal ang ngayo'y 48 years old na si Candy noong 31 years old pa lang siya sa kanyang dating partner na isang dekada na niyang karelasyon. Matapos ang isang taon ay nagbuntis na siya.

Kuwento ng celebrity mom sa 'Toni Talks' na may problema na sila ng kanyang ex-husband bago pa man sila ikasal.

Ani Candy, “Actually ganito 'yan, e, even before I got pregnant medyo malabo na kami.

“We were together for 10 years tapos nung 'kinasal kami, medyo malabo na kami, even before kami ikasal.

“Mayroon na akong nahuli, mga ganyan. Pero kasi 'yung babae 'yung feeling mo parang--people change.

“Feeling ko a baby will save it. Kaya nag-decide ako mag-buntis. So, nag-buntis ako--but no!”

Dito idinetalye ni Candy ang masakit na sinasabi ng kanyang former husband habang pinagbubuntis pa lamang niya si Quentin.

“Before I gave birth nandiyan pa naman siya, sinasabi niya sa akin iiwanan niya ako.”

Tila natigilan si Toni at sabi, “So, during the whole time na pregnant ka, emotionally?”

Pabirong tugon naman ni Candy, “Sinasabi naman niya sa akin at least nag-aabiso.”

“Ang term pa nga niya 'souvenir' hindi ko makakalimutan 'yun. I was very pregnant then.”

Nakakagulat din ang ginawa ng kanyang dating partner na bigla na lang naglaho, matapos magpaalam na magla-laro ito ng golf.

Pagbabalik-tanaw ni Candy, “To make a long story short, I gave birth, a month I gave birth umalis na nga siya, hindi na siya umuwi.

“Nagpaalam naman siya sa akin, sinabi niya mag-go-golf siya.

“Nagpaalam siya mag-go-golf siya, tapos hindi ko na alam kung ano'ng butas ang tinira niya sorry [laughs].”

Nag-decide din ang former Bilangin ang Bituin sa Langit actress na kumonsulta sa espesyalista sa tindi ng pinagdaanan niya sa buhay na nakaka-apekto na sa kanya mentally.

Sabi niya kay Toni “Nagpa-psychologists ako, kasi walang gamot e. Pumunta ako sa psychologists, kasi sinasabi noong ex ko before, 'baliw daw ako.'

“'Baliw ka,' sabi niya ganyan 'kasi pinaghihinalaan mo ako na may babae.' Sabi ko, 'So baliw ako,' kaya siya umalis kasi baliw ako.

“Pero feeling ko talaga meron! Nagpa-check ako talaga sa doktor kung baliw ako.

“Hindi naman daw, totoong hindi ko naman bra yun,” nakakatawang hirit uli niya.

Dito daw napatunayan ng komedyante na "Love is really blind" base sa sarili niyang karanasan.

Balikan kung bakit niya nasabi ito ni Candy Pangilinan sa vlog ni Toni Gonzaga:

Narito naman ang iba pang celebrities na naging successful sa pagpapalaki ng kanilang mga anak kahit na sila ay single parents: