
Hindi napigilan ng actress-politician na si Charee Pineda na maiyak nang ibinahagi ang kanyang karanasan sa panganganak sa firstborn niyang si Martell Francesco Soledad.
Isa si Charee sa mga guest sa “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga ngayong araw, May 8, kasabay ng pagdiriwang ng Mother's Day.
Source: chareepineda (Instagram)
Aniya, isinilang niya si Martell noong November 2020, ilang linggo bago ang due date ng kanyang panganganak.
“Ako ay naging mommy noong November 2020. Pero may kwento 'yon. Dapat kasi manganganak talaga ako ng January 2021. Pero dahil lagi kong kinakausap ko 'yung baby ko na, 'Baby sana makasama kita agad 'wag mo ko pahirapan.'
“So nung November pa lang, lumabas na 'yung baby ko. Preemie at 34 weeks,” aniya.
Ayon sa celebrity mom, dahil premature ang baby, kinailangan nitong mamalagi sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) para i-monitor ang kalusugan niya.
“Okay naman siya per kailangan niyang mag-stay sa NICU for two weeks kasi kailangan siyang i-monitor. Nung pinalabas siya pinaabot muna siya ng 36 weeks.
“Malungkot kasi nandiyan siya pero ako na-discharge ako nang mas maaga. Kailangan bumalik-balik ako sa hospital for two weeks para mabisita 'yung baby ko,” sabi pa niya.
Naging mahirap umano ito kay Charee dahil kahit hindi pa siya nakaka-recover ay pinili niyang araw-araw bisitahin sa ospital si Martell para rin masigurong nasa maayos na kalagayan ito.
“Mahirap talaga. Everyday din akong nasa ospital so, ang hirap kasi nagre-recover pa ako hindi pa ako okay talaga pero parang kailangan…,” umiiyak na sabi niya.
“Nagre-recover pa ako pero wala akong time para ma-feel kung may masakit pa ba sa 'kin kasi kailangan pumunta ako sa hospital, kailangan makita ko 'yung baby ko kung okay ba siya, kung may bago bang nakakabit sa kanya, natanggal na ba 'yung mga nakakabit.”
Sa kasalukuyan ay okay na raw ang baby niya ngayon, malusog at mataba na.
Source: chareepineda (Instagram)
Naging mommy si Charee sa edad na 30 pero kung papipiliin, sana raw ay nagdesisyon na siyang magkaroon ng baby nang mas maaga.
“Okay ako. Sobrang saya pala na may baby. Lagi ko ngang sinasabi, kung alam ko lang sana mas maaga ako ako nag-baby kasi iba 'yung feeling pala na may baby ka, na excited ka lagi umuwi, parang nabago 'yung buhay mo.
“'Yung mga pinaplano mo dapat kasama lagi 'yung baby mo. Masaya. Sulit lahat ng pagod [at] ng hirap. Ngayon parang sa akin kahit, na pagdaanan ko ulit lahat ng pinagdaanan ko nung pregnancy ko, gagawin ko basta magka-baby ako,” kwento pa niya.
Source: chareepineda (Instagram)
Ikinasal si Charee sa longtime boyfriend at kapwa politician na si Martell Soledad noong February 2020 at isinilang niya ang firstborn nila noong November ng taong ding iyon.
Silipin ang newborn photos ni baby Martell sa gallery na ito: