Showbiz News

Robin Padilla confirms Kylie Padilla-Aljur Abrenica breakup

By Nherz Almo

"Hindi isyu yun."

Ito ang reaksiyon ni Robin Padilla nang tanungin ng talent manager at celebrity vlogger na si Ogie Diaz tungkol sa paghihiwalay ng anak niyang si Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Matatandaang naging usap-usapan ang isyung nang mag-post si Kylie ng cyptic message na "free" at isang larawan ng kanyang mga kamay na hindi suot ang wedding ring sa Instagram noong Februrary 2021.

Sa vlog ni Ogie na lumabas sa kanyang YouTube channel kagabi, July 7, tinanong niya ang aktor kung paano niya hinarap ang isyu tungkol sa kanyang anak na si Kylie at asawa nitong si Aljur.

"Hiwalay?" balik na tanong ni Robin.

Pagpapatuloy niya, "Wala, wala namang... Una, walang sinasabi yung anak ko.

"Noon pa, lagi kong tinatanong si Kylie, 'Argabyado ka ba?' Hindi naman daw, 'Okay lang ako, pa.'

"Ito, noong tinanong ko siya ulit, 'Anak, argabyado ka ba?' 'Hindi, Pa, ako ang nakipaghiwalay, e.'"

Katuwiran ni Robin kung bakit 'di siya nakikialam sa problema ng mag-asawa, "Wala namang papel ang tatay doon, ako, ha. Ibig kong sabihin, hindi ka dapat makialam kahit na sa away ng mag-asawa 'yon, e, may mga anak pa.

"Ang sakit, siyempre, sa akin. Siyempre, [babae yung sa akin] at saka nasa akin ang remembrance, e. Naiwan yung... yung mga apo nasa nanay.

"Pero hindi yun ano, hindi isyu yun.

"Siyempre, walang sakitan ng pisikal. Ako, yun lang naman ang sinabi ko kay Aljur, e."

Tinanong din ni Ogie si Robin, "Wala namang third party?"

Diretsong sagot ng aktor, "Meron daw, e. E, kaimposiblehan ba 'yon? Hindi yun kaimposiblehan. 'Yun ang sinasabi ko kay Kylie, lalaki 'yan."

Bilang lalaki, naiintindihan daw ito ng ama ni Kylie, na umaming ilang beses niya rin ito nagawa noon.

Ani Robin, "Natural. Sino maiintindihan ko? E, lalaki ako.Kaya lang, hindi na uso ang mga martir ngayon.

"Tanggapin na natin 'yon, wala na tayo dun. Yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie noong nag-usap kami.

"Sabi ko, 'Lalaki ang asawa mo. Pasalamat ka nga, lalaki, e.'

"E, wala, hindi raw niya kaya."

Sa palagay ni Robin, maayos naman ang paghihiwalay ng anak niya at asawa niyang aktor.

"Mukha naman. Kasi, noong Father's Day, nandoon 'yung mga bata," aniya.

Matatandaan na matapos ang cryptic posts ni Kylie, lumabas ang mga larawan ni Aljur kasama ang mga anak nilang si Alas Joaquin at Axl Romeo.

Kasama rin ni Aljur ang kanyang pamilya nang magdiwang siya ng kanyang ika-31 na kaarawan noong March 2021.

Matapos ang ilang taong on-and-off relationship, na-engaged sina Kylie at Aljur noong January 2017. Ikinasal sila noong December 2018.

Stop the cryptic post on social media

Kung mayroon daw isang payong ibinigay si Robin kina Kylie at Aljur, ito raw ay ang ihinto ang pagpo-post sa social media tungkol sa problema nilang mag-asawa.

Paglalahad ni Robin, "Tumatawag si Aljur sa akin, hindi ko sinasagot. Minessage ko lang siya, sabi ko, 'Isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media, nakakahiya 'yan.'

"Baduy na baduy ako dun sa [sagutan] sa social media.

"Para sa akin lang, makikita ng mga anak n'yo 'yan."

Dagdag pa ng 51-year-old action star, "Sa akin, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkakasundo, hindi kayo dapat maghiwalay nang magkaaway.

"Bakit? Nagmahalan naman kayo, e, nasarapan naman kayo pareho. Hindi kayo kailangang mag-away.

"Dahil ano ang dahilan? Dahil nagtaksil yung isa? Tao ka, mangyayari't mangyayari 'yan. Hindi 'yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan, lalo na nasa showbiz tayo."

Only Kylie and Aljur can fix their marriage


Nang tanungin ni Ogie kung nag-sorry sa kanya si Aljur, sagot ni Robin, "Hindi na kailangan. Ang baduy nun, pare.

"Mag-sorry ka kung sinaktan mo nang pisikal. Iba 'yon, ha-hunting-in kita.

"Huwag mong gagawin sa anak ko 'yon. Hindi ko sinaktan 'yang batang 'yan. Huwag mong gagawin 'yon, pare.

"Pero yung mga ganyang nambababae, natatawa pa ako diyan. Sa panahon ngayon, hindi ako naniniwalang may lalaking makakatanggi sa tukso."

Ayon pa kay Robin, kahit lapitan siya ni Aljur, wala rin siya sa posisyon para ayusin ang gusot sa relasyon nilang mag-asawa.

Aniya, "Dalawa lang ang pwedeng mag-ayos niyan, si Kylie at si Aljur.

"Sa akin, opinyon ko, baduy sa akin 'yon [ako yung lalapitan]. Wala tayong ano diyan, e.

"Sa akin, kapag nilapitan mo ako, titingnan lang kita.

"Walang pwedeng umayos niyan kundi yung dalawa. Kasi, makikialam tayo, pipilitin natin yung dalawa.

"Magsasama ngayon yung dalawa dahil sa atin. E, kung magkapisikalan 'yan?

"Sino ngayon ang mag-aaway pagkatapos n'yan? Tayong dalawa na.

"Gusto mo ba akong kaaway? 'Yun lang naman 'yon, ayaw kong maging magkaaway tayo. 'Yun lang naman ang point ko."

Tinanong ni Ogie kung sa tingin niya ay wala ng love sa pagitan nina Kylie at Aljur, mabilis na sagot ni Robin, "Imposibleng wala 'yan, meron 'yan."

Kaugnay nito, sabi rin niya, "Sana [maayos]. Siyempre, para sa mga bata, sa mga anak nila.

"At sana huwag na nilang patagalin kung magbabalikan man sila.

"Kasi, kapag tumagal 'yan, masyado nang maraming mangyayari."

Sa nakaraang panayam ng media kay Aljur noong May 2021, inamin niyang may pinagdadaanan silang dalawa ng kanyang asawang si Kylie.

“Ang masasabi ko, lahat tayo may pinagdadaanan. Nagkaproblema kaming dalawa at na-mis-manage namin when it comes to posting. Na-spread sa mga tao.

"Pero to set the record straight, sinasabi ko nga, we're good, we're talking and we're doing everything when it comes to what's best sa aming dalawa at sa mga bata.”

Panoorin ang kabubuan ng panayam ni Ogie Diaz kay Robin Padilla dito:

Samantala, narito ang ilang celebrity couples na naghiwalay ngayong 2021