Showbiz News

Mark Herras, game na sinagot ang ilang personal na tanong at 'money issues'

By Jimboy Napoles

"Sagot o lagot with Eric *Mahirap na magsalita!!!" ganito ang title ng recent vlog ni Mark Herras kasama ang kaniyang 'Kuya' na si Eric Fructouso. Ang challenge, kailangang sagutin ng dalawa ang mga nakaka-intrigang mga tanong para sa kanila at kung hindi sila makasagot ay iinom sila ng isang shot glass ng 'Sukaong' o sukang nilagyan ng bagoong.

Isa sa mga naging tanong para sa dalawa ay “Magkano ang pera na nasa bangko mo?” Pabiro itong sinagot ni Mark ng “Mga 30K siguro,” na sinundan pa niya ng “Siyempre, this is a private thing. Pero ako ang alam ko, yung anak ko may pera sa bangko," pero kalaunan ay napilitan siyang uminom na lang para raw makaiwas sa isyu.

Source: Marknico Herras (YouTube)

Nagkuwento rin ang OG Bad Boy ng Dance Floor tungkol sa DMs o "direct messages" na kaniyang natanggap noong sumabog ang issue na nagsabing may financial problem siya.

“Siyempre nung nangyari 'yung recent issue, ang daming nag-DM (direct messsage) sa'kin na LGBT… 'Hi Mark. Hi, I can help.'”

Paglilinaw naman ng aktor, “I'm not judging them… maganda naman yung thought pero I think parang medyo in-assume ko lang na papunta 'dun (indecent proposal) pero so far wala pa naman yung 'rekta…”

Sa ngayon ay naghahanda si Mark para sa kaniyang upcoming project sa GMA Drama.

Samantala, tingnan ang masayang pamilya nina Mark Herras at Nicole Donesa kasama ang kanilang anak na si Baby Corky sa gallery na ito: