GMA Logo super tekla
What's Hot

Anak ni Super Tekla, ligtas na sa kritikal na kondisyong sanhi ng COVID-19

By Jimboy Napoles
Published September 27, 2021 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

super tekla


Ligtas na sa kritikal na kondisyon ang anak ni Super Tekla na si Baby Angelo matapos itong magpositibo sa COVID-19.

Masayang ibinalita ni Super Tekla na bumuti na ang lagay ng kaniyang anak na si Angelo, na kasalukuyang nagpapagaling mula sa COVID-19 sa Quezon City General Hospital.

Matatandaan na noong Huwebes, September 23, humingi ng panalangin ang The Boobay and Tekla Show host para sa kaniyang anak na nagpostibo sa Covid-19.

"Get well soon Angge. Panginoon marami pong salamat at niyo nilagay si Angge sa panganib. So far stable at naka close monitoring at nilalabanan ang infection dala ng Covid," caption ng Kapuso host kasama ang larawan ni Baby Angelo sa kanyang Facebook post kahapon, September 26.

Source: SuperTeklah Librada (Facebook)

Nagpasalamat din siya sa mga taong nananalangin para bumuti ang lagay ng kaniyang anak.

“Buti na lang ang dami mong prayer warriors and squads. Maraming salamat sa mga nanalangin for Angge.”

Sa isa pang post nagpasalamat din ang Kapuso host sa mga frontliner na nag-aasikaso kay Baby Angelo.

“Salamat kay Princess at sa lahat ng frontliners, medical staff, doctors, at buong pamunuan ng QCGH sa pag-asikaso kay Angge. mabuhay po kayo si God na bahala sa di matawarang dedication niyo sa mga nangangailangan sa panahon ng pandemic na ito.”

Source: SuperTeklah Librada (Facebook)

Sa huli, nagbigay din ng mensahe si Tekla para sa mga kapwa niya magulang na paka-ingatan ang mga anak lalo na sa panahon ngayon na may pandemya.

“Hindi biro ang covid, ingatan ninyo ang mga anak ninyo.” dagdag niya.

Sa ngayon ay buo ang loob ni Tekla na malalampasan din nila ang pagsubok na ito sa kaniyang pamilya.

Samantala, narito ang ilang babies na ipinanganak ngayong 2021: