Showbiz News

Derrick Monasterio, suportado ang ina sa nalalapit na kasal sa Amerika

By Aedrianne Acar

Masayang ibinalita ng Kapuso leading man na si Derrick Monasterio na malapit na siyang lumipad sa Amerika para magbakasyon at umattend sa kasal ng kanyang ina na si Tina Monasterio.

Dating aktres ang ina ni Derrick na naging kasabayan noon nina Alma Moreno at Jean Saburit.

Kinumpirma ng hunky actor ang wedding ng kanyang Mommy Tina sa idinaos na media conference ng Daig Kayo Ng Lola Ko kahapon (November 11) via video conference.

Sabi niya sa panayam ng entertainment writer na si Rose Garcia, “Actually, nagulat din ako talaga, pero, happy ako kasi nagbago talaga 'yung mood ng mom ko. Sa bahay kung papaano siya sa amin, wow! Basta iba, iba 'yung mood niya mas mukha siyang bumata. So doon mo masasabi parang 'pag in love e, parang fresh ka, blooming ka palagi ganun.”

Nagpaalam ba si Mommy Tina na ikakasal na siya?

Pag-amin ni Derrick, “Alam mo kung ano'ng weird, Miss Rose, nag-send na lang siya ng picture ng suot na lang niya 'yung engagement ring, walang paalam, paalam. So, parang, "whoa!' 'Tapos may date na rin siya, so, mukhang naka-set na talaga. I'll post naman soon 'pag nangyari sa social media.”

Kahit nasa gitna pa rin tayo ng pandemya, hindi naman daw naging mahirap para sa mommy ni Derrick Monasterio na mag-handa for her upcoming wedding.

Pahayag ng Kapuso star sa GMANetwork.com, “Hindi naman. Hindi naman mahirap 'yung preparation, smooth naman kasi nga sa States siya ikakasal, medyo wala naman masyadong restrictions doon. So ayos na lahat, so kami na lang talaga ang pupunta.”

Nag-enjoy naman si Derrick Monasterio na gumanap bilang Toti na may disability sa "Oh My Oppa" story ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Si Toti ang bestfriend ng character ni Grace played by Sanya Lopez na may lihim na pagtingin dito.

Ayon sa actor-singer, itinuturing niya malaking prebelehiyo na maging artista at gumanap ng iba't ibang karakter sa telebisyon o pelikula.

Paliwanag niya, “Pag may mga ganitong karakter na may mga ganitong atake, lagi ko naalala 'yung mga tinuturo sa amin sa workshop na: ano 'yung mga ia-add mo sa character mo to make it more unique.

“To make it different from your previous characters. Masaya mag-experiment for me. Ang saya din kasi, acting kasi you're putting yourself in someone else's shoes. You're experiencing the life of other people.

“Masaya siya i-portray and challenging din kasi, hindi ka naman talaga ganun. I'm very lucky lang to be an actor to be able to portray different lives.”

Check out the transformation of Derrick Monasterio throughout the years in this gallery.

Related content:

Derrick Monasterio, inaming paboritong leading lady si Sanya Lopez