Showbiz News

Vin Abrenica, may emosyonal na mensahe para sa anak na si Avianna Celeste

By Maine Aquino

Emosyonal si Vin Abrenica ngayong nine months na ang anak nila ni Sophie Albert na si Avianna.

Si Avianna ay ipinanganak ni Sophie nitong March 2021.

Saad ng new dad, "Grabe 'no? Sobrang bilis!"

Sa pagtatapos ng kanilang family vlog naging emosyonal ang aktor dahil sa mabilis na paglaki ng kaniyang anak.

Photo source: YouTube: Vin & Sophie

Ayon kay Vin, "Habang inaayos ko itong video na 'to, I just want to share sobrang bilis ng panahon."

Dugtong pa ng celebrity dad, "Ngayon naiintindihan ko na. Dati na parang as a new father, noong ipinanganak si Ava, na everybody says na 'Vin, sulitin mo 'yan.' Napakabilis ng panahon."

Ayon kay Vin, naniniwala siyang dapat paglaanan ng oras at atensyon ang mga anak.

Paliwanag niya, "Sa lahat ng mga magiging bagong magulang diyan, wala pa naman ako sa posisyon para magsalita 9 months pa lang naman si Ava. But yeah, sulitin ninyo. Sobrang ninyong sulitin kasi napakabilis ng panahon."

Saad pa niya, "Amuyin ninyo, panggigilan ninyo 'yung baby niyo. Ibigay ninyo sa kanila lahat ng time dahil for sure one hundred percent, hindi kayo magsisisi."

Sa pagtatapos ni Vin sa vlog inamin niya na masaya siya na kasama niya lagi si Avianna.

"So far I am living my best life. And yes Ava, daddy is living his best life because of you."

Tingnan ang cutest photos ng anak nina Vin at Sophie na si Avianna sa gallery na ito: