Showbiz News

Beauty Gonzalez, mahinahon na sinagot ang komento ng netizen na isama ang pamilya sa kanyang mga lakad

By Aedrianne Acar

Pinili maging mahinahon ng Kapuso actress na si Beauty Gonzalez nang sagutin ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram tungkol sa kanyang pamilya.

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez)

Makikita sa February 14 post ni Beauty ang isang short video clip kung saan enjoy ito sa paglalakad sa isang beach.

Isang netizen ang nagkomento sa video na ito ng soap opera star at pinakiusapan na, “Request plsss isama mo naman family mo asawa and anak mo plsss...”

Sumagot si Beauty sa post ng netizen at nilinaw na lagi niyang kasama ang asawa at ang anak na si Olivia.

“My husband is always in front of the camera and my daughter is always by my side..

“Every minute of every day except when I am in lock in taping

“Happy Valentines.”

Ikinasal si Beauty kay Norman Crisologo taong 2017 sa Tagaytay at ipinanganak naman niya si Olivia noong February 2016.

Samantala ang nanay ng aktres na si Carina Arriola Luche ay mula sa isang political family sa Daanbantayan at ang kanyang ama na si Manuel Ybarra Gonzalez ay isang former professional Jai Alai player sa Spain.

Silipin ang sagot ng ilang celebrities sa mapanirang post tungkol sa kanila sa gallery na ito.