GMA Logo MISS U: A Journey to the Promise Land
What's Hot

Amalia Rivera, hanga sa sakripisyo ni Marian Rivera bilang isang ina

By Aedrianne Acar
Published May 7, 2022 4:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

MISS U: A Journey to the Promise Land


Mommy Amalia kay Marian Rivera: “Sa iba, nakikita ko sa yaya lumalaki, pero siya talagang hindi iniiwan [ang mga anak].”

Nakilala pa natin nang husto ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa likod ng kamera sa heartwarming documentary na MISS U: A Journey to The Promised Land dahil sa isang espesyal na pagkakataon ay nagpaunlak ng panayam ang nanay ng multi-awarded actress na si Amalia Rivera.

Sa documentary na dinirek mismo ni Dingdong Dantes, nagkuwento si Mommy Amalia kung paano si Marian bilang ina kina Zia at Sixto.

Kuwento ni Mommy Amalia, “Talagang masasabi ko na mabait na bata si Marian, kung paano niya [inaudible] 'yung anak niya, kahit hirap na hirap siya.”

Dagdag niya, “Sa iba, nakikita ko sa yaya lumalaki, pero siya talagang hindi iniiwan. Humanga rin ako sa kaniya [sa] naabot niya, gaya n'yo kung tawagin kayong Primetime King [and] Queen. Pero mas humahanga ako kung paano siya mag-alaga ng mga anak niya.”

Umamin din si Mommy Amalia na naging mahirap para sa kaniya na iwan ang anak noon para magtrabaho sa abroad. Nagsilbing magulang kay Marian ang kaniyang Lola Iska.

Ayon sa kaniya, “Bilang isang ina, nung iniwan ko rin si Marian, nagpunta ako ng ibang bansa, sobrang hirap.

“Hindi naman lingid sa tao na naghiwalay kami ng papa (Francisco Javier Alonzo Gracia) ni Marian. Napilitan akong iwan ang Pilipinas at ang mother (Lola Iska) ko ang nag-alaga sa kaniya.”

“Alam ko kahit hindi niya sabihin sa akin, nararamdaman ko na may tampo siya sa akin, kasi nga malayo ako sa kaniya. 'Pag may problema siya, wala siya mapagsabihan.”

Emosyonal na inalala naman ng Kapuso Primetime Queen na kahit nalayo siya sa kaniyang nanay, palaging pinaaalala noon ng kaniyang lola na huwag magtanim ng sama ng loob sa ina.

Naiiyak na kuwento ni Marian sa documentary, “Masakit, pero very thankful ako kasi si nanay 'yung lola ko (Lola Iska) na palagi [ang] nagpapaliwanag na, 'Anak, hindi ka puwede magtanim ng sama ng loob sa nanay mo kasi ginagawa niya lahat para sa 'yo.'”