advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Celebrities na hindi inaasahang may anak 

1 of 16

Phoemela Baranda

Si Phoemela Baranda ay busy sa kanyang modeling career nang siya ay hindi inaasahang magbuntis sa kanyang anak na si Kim. Nineteen years old si Phoemela nang ipinanganak si Kim. Kinilala ni Kim si Phoemela bilang nakakatandang kapatid. Eleven years old na si Kim nang malaman niyang si Phoemela ang kanyang ina.

2 of 16

Kim Nichole Baranda

Taong 2013 nang isinapubliko ni Phoemela ang pagkakaroon ng anak nang pumasok siya sa isang reality show.

3 of 16

Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

Taong 2013 nang kumalat ang balita na ipinagbubuntis ni Sarah Lahbati ang kanilang anak ni Richard Gutierrez. Walang kumpirmasyon na ibinigay ang celebrity couple hanggang sa lumipad sa Switzerland si Sarah at iwan ang kanyang showbiz career.

advertisement
4 of 16

Zion Gutierrez

Sa kanilang reality show na 'It Takes Gutz to be a Gutierrez' ay una nilang ipinasilip ang kanilang panganay na anak na si Zion.

5 of 16

Derek Ramsay

Taong 2011 nang malaman umano ni Derek Ramsay na siya ang ama ni Austin. Si Austin ay ang anak ni Derek sa kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly.

6 of 16

Austin Ramsay

Sina Derek at Austin ay nagkakaroon ng ilang mga bakasyon para magkaroon ng father and son bonding.

advertisement
7 of 16

Marjorie Barretto

Si Marjorie Barretto ay ang ina nina Dani, Julia, Claudia, at Leon. Ang panganay niyang si Dani ay anak niya kay Kier Legaspi samantalang sina Julia, Claudia at Leon naman ay mga anak ni Marjorie sa kanyang dating asawa na si Dennis Padilla.

8 of 16

Youngest daughter

Noong Pebrero 2018 lang ay ipinakilala ni Marjorie ang kanyang isa pang anak sa pamamagitan ng photos sa kanyang social media accounts.

9 of 16

Aubrey Miles

Sa isang panayam sa Powerhouse noong 2014 ay inilahad ni Aubrey Miles ang totoong rason kung bakit niya pinili na itago ang kanyang anak na si Maurie. Ayon kay Aubrey ay nasa peak siya ng kanyang career noon bilang sexy star. Aniya, "Noong time na 'yun kailangan fresh ka. Mas sisikat ka. Siyempre sa mga endorsements mo gusto nila single ka, hindi ka mom."

advertisement
10 of 16

John Maurie Sandel Obligacion

Ayon kay Aubrey, naging masaya siya simula nang isinapubliko niya ang pagkatao ng kanyang anak. "Masaya! Ang dami ko agad na ginawa after nang inamin ko 'yun."

11 of 16

Piolo Pascual

Binata na ang unico hijo ni Piolo Pascual nang makita ito ng publiko. Sa una, inisip lang ni Piolo na mag-focus muna ang anak na si Iñigo Pascual sa pag-aaral kaysa sa pagpasok nito sa showbiz.

12 of 16

Iñigo Pascual

Pinili ni Iñigo na subukang pasukin ang landas na tinahak ng kanyang ama kaya naman pinayagan na rin ito ni Piolo na pumasok sa showbiz.

advertisement
13 of 16

Liz Uy

Kilalang celebrity stylist si Liz Uy. Parte rin siya ng It Girls kung saan kabilang ang mga kaibigang sina Solenn Heussaff, Georgina Wilson at Isabelle Daza.

14 of 16

Baby Xavi

Noong March 16, 2018 ay inanunsyo niya sa publiko na siya ay isa nang ina. Ayon sa interview ng Preview sa ina ni Baby Xavi, "Every time I do anything, I think of Xavi first."

15 of 16

Ellen Adarna and John Lloyd Cruz

Matatandaang kumalat ang balitang ipinagbubuntis ni Ellen Adarna ang kanilang anak ni John Lloyd Cruz.

advertisement
16 of 16

Prenatal check-up

Noong June 19, 2018, kumalat ang ilang photos nina Ellen at John Lloyd mula sa isang prenatal checkup sa Chong Hua Hospital sa Cebu. Ang photos na nagpapatunay na buntis si Ellen ay mula sa isang fan account.