Showbiz News

Marian Rivera at Dingdong Dantes, naghahanda na para sa face-to-face classes ng mga anak

By Marah Ruiz

Kabilang ang celebrity parents na sina Kapuso Primetime Couple Marian Rivera at Dingdong Dantes sa mga magulang na naghahanda na para sa face-to-face classes ng kanilang mga anak.

Sa kaunaunahang mandate ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte, nais niyang magbalik sa full capacity ang face-to-face classes sa pribado at pampublikong mga paaralan pagdating ng Nobyembre ngayong taon.

Buti na lang, bakunado na laban sa COVID-19 ang panganay nina Marian at Dingdong na si Zia. Unang beses namang mararanasan ng anak nilang si Sixto ang pumasok as eskuwelahan.

"Nakakatakot pa rin naman talaga kahit papano so magdo-dobleng ingat lang talaga. Sundin na lang natin 'yung mga protocols sa school para maiwasan din 'yung mga ganoon. For example, kung inuubo o may sipon yúng anak mo, huwag mo nang papasukin sa school," pahayag ni Marian.



Samantala, ipinasilip ng mag-asawa ang magandang set ng kanilang weekend sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa.

Sa Flor's Garden sa Antipolo sila nagshu-shoot ng kanilang show kaya para na rin silang nagbabakasyon habang nagta-trabaho.

"Sabi ko nga kay 'Dong 'pag may taping, palagi kaming looking forward na mag-taping. Excited kaming makita 'yung lahat, especially 'yung cast," bahagi ni Marian.

May favorite bonding experience din daw sila sa set.

"'Pag lunch, kanya kanyang toka ng pagkain kaya walang diet-diet. Si Tito Johnny [Revilla] nga nagluluto pa dito ng pasta, siya mismo, 'yung recipe niya, diyan sa backyard," kuwento naman ni Dingdong.

"Si Mama Au (Shamaine Buencamino), din nagdala siya ng kanyang laing," dagdag ni Marian.

"Kanya kanya. So weekly 'yan, may toka kung sino ang magdadala ng pagkain," ani Dingdong.

Napahanga naman ni Dingdong si Marian dahil sa improvement niya sa larangan ng comedy.

"Dati parang nangangapa pa pero ngayon 'pag sa set parang siya pa 'yung parang [enthusiastic]. Siya pa 'yung ganoon, makikita mo. Wow, so parang mas natututo na 'ko sa kanya," papuri ni Marian sa asawa.

Para kay Dingdong, ang kanilang direktor daw ang nasa likod ng improvement na nakikita sa kanya.

"Eh siyempre, Direk Sweet ba naman 'di ba? Direk John Lapus, talagang ang galing talaga, binibigyan kami ng tamang motivation," lahad niya.

Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.

SILIPIN DIN ANG INSPIRING HOBBIES NG CELEBRITY KIDS HABANG HINDI PA SILA BUMABALIK SA ESKUWELAHAN SA GALLERY NA ITO: