GMA Logo Nino Muhlach and Sandro Muhlach
Courtesy: sandromuhlach (IG)
What's Hot

Niño Muhlach proud of eldest son Sandro Muhlach on entering showbiz with perseverance

By EJ Chua
Published August 4, 2022 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robbers cart away over P30.7M from mall in Pavia, Iloilo
Hairstylist, nagulantang sa ginawa ng mister ng kanyang customer | GMA Integrated Newsfeed
Good News: Bisitahin ang mga destinasyon na ito sa Tanay, Rizal ngayong Kapaskuhan

Article Inside Page


Showbiz News

Nino Muhlach and Sandro Muhlach


Niño Muhlach: “Hindi ko naman siya tinulungan mag-showbiz. He did it by himself.”

Hindi maikakaila na isa sa mga talentong taglay ng ilang miyembro ng pamilya Muhlach ay ang husay sa pag-arte.

Isa na rito ang dating child star na si Niño Muhlach na abala ngayon sa kanilang taping para sa bagong GMA drama series na Start-Up Ph.

Kamakailan, nakapanayam ng GMANetwork.com si Niño at dito ay ibinahagi niya na bukod sa pagiging aktor, isa rin siyang proud dad sa panganay niyang anak na si Alessandro Martinno M. Muhlach o mas kilala sa kaniyang stage name na Sandro Muhlach.

Ayon sa tinaguriang Philippines' child wonder, “I'm proud of Sandro with his perseverance… 'yung perseverance niya na mag-artista. Dahil siguro ako artista, 'yung kapatid niya na si Alonzo artista rin kaya gustong-gusto niyang maging isang artista. 'Yung perseverance niya talagang nakikita kong nandoon. Hindi ko naman siya tinulungan mag-showbiz. He did it by himself, nag-audition talaga siya, that's why that makes me proud, a proud dad.”

Noong September 2021, napanood si Sandro sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition kasama si Angela Alarcon na anak naman ng aktor na si Jestoni Alarcon.

SAMANTALA, KILALANIN PA ANG SPARKLE ARTIST NA SI SANDRO MUHLACH SA GALLERY NA ITO: