
Isa man sa pinakabagong mukha sa entertainment industry, hindi maikakaila ang ganda ni Angela Alarcon.
Si Angela ay pangalawa sa tatlong anak ng mahusay na aktor na si Jestoni Alarcon.
Ilang larawan niya ang naging daan upang maikwento ni Angela ang ilang impormasyon tungkol sa kanyang buhay.
Ito ay sa pamamagitan Photo-Buking Challenge ng Unang Hirit kay Angela kaninang umaga, September 15.
Unang ipinakita ng UH barkada ang throwback photos ni Jestoni at Angela Alarcon.
Courtesy: angelaalarcon (IG)
Ikinuwento ni Angela na noong bata pa siya ay medyo strikto ang kanyang daddy.
“Actually, hindi na siya strict ngayon kasi, siyempre, nagma-mature na ko. Unlike before, puro text, 'Nasan ka na?' ganun. Pero ngayon I think, mas maluwag na siya sakin, which I'm thankful kasi alam niyang I'm growing up na ang I'm doing my own things."
Ibinahagi rin ni Angela ang feeling bilang isang anak ng aktor.
“Nakaka-inspire kasi bata palang ako, I was surrounded na. Nakikita ko may mga nagtitilian, ang daming fans at lagi siyang pinagkakaguluhan.
"Naging malaking inspiration siya kung nasaan man ako ngayon. Nakatulong siya at naka-motivate siya sa passion ko when it comes to entering showbizness”.
unod namang ipinakita ng Unang Hirit host na si Lyn Ching ang graduation photos ni Angela Alarcon.
Courtesy: angelaalarcon (IG)
Nagtapos ng pag-aaral si Angela sa University of the Philippines-Diliman sa kursong Speech Communication.
Ibinahagi rin nila Angela ang kanyang pagiging sporty.
Kwento ni Angela, “Eight years old palang ako, nagta-Taekwondo na ako. Bata palang very sporty na ako.
"Kami kasi ng kapatid kong lalaki, mahilig kami mag-wrestling noon. 'Yung playtime lang parang acting suntukan lang… Dahil inspiration ko si Mulan, 'yung Disney Princess, sabi ko gusto kong parang maging Mulan.”
Courtesy: angelaalarcon (IG)
Kasunod noon ay nag-enroll na sa isang Taekwondo class si Angela.
Kalaunan, naging Black Belter sa Korean Martial Arts at Taekwondo si Angela.
Kasunod ng pagpasok sa showbiz, kina-career na rin ngayon ni Angela ang vlogging.
Para kay Angela, ang inspirasyon niya ngayon sa kanyang mga ginagawa ay ang kanyang mga magulang na sina Lizzette at Jestoni Alarcon.