Showbiz News

Winwyn Marquez, inspirasyon ang BTS para sa pagpapangalan kay Baby Luna

By Aimee Anoc

Enjoy si Winwyn Marquez sa bagong role niya bilang mommy sa kanyang four-month-old baby girl na si Luna Teresita Rayn.

Sa interview kay Cata Tibayan ng 24 Oras, ikinuwento ni Winwyn na bilang first-time mom ay hands-on siya sa pag-aalaga kay Baby Luna.

"Nawawala talaga 'yung pagod kapag nakikita mong healthy 'yung baby, tapos tumatawa siya," sabi ni Winwyn.

Dahil bago pa lamang sa pagiging isang ina, aminado si Winwyn na kung minsan ay hindi niya maiwasang mangapa sa pag-aalaga. Nakaranas din ng postpartum ang aktres matapos na manganak.

"First few weeks, talagang hirap na hirap ako kasi ang sakit. Siyempre, nag-breastfeed din ako, ang sakit. 'Yung pinaka-postpartum ko na parang ayokong mahiwalay sa baby ko kahit hirap na hirap na ko like masakit na 'yung katawan ko. Kapag nahiwalay ako sa kanya, nagi-guilty ako," aniya.

Sa interview, ikinuwento rin ni Winwyn ang naging inspirasyon niya sa pagbibigay ng pangalan kay Baby Luna.

"Dahil sa BTS din 'yan, kay RM," ani ng aktres. "Kasi, 'di ba, mayroon siyang album at saka may kanta siyang ganu'n. So, sobrang naaliw ako sa galaxy. Naisip ko Luna na lang kasi iba 'yung joy na ibinigay sa akin 'yung time na 'yun. Napasa ko lang sa anak ko.

Hindi naman daw maiwasang mag-drama ng lolo at lola ni Baby Luna na sina Joey Marquez at Alma Moreno sa tuwing hinahanap-hanap ito.

"Kasi nga, girl, nae-excite siyang bihisan. Minsan, syempre, hindi kami agad-agad makakapunta sa lolo't lola niya. Nakakatawa kasi nagda-drama na sila, very attached kay Luna lalo na si daddy."

Noong August 30, ipinagdiwang ni Winwyn ang fourth month birthday ni Baby Luna.

TINGNAN ANG NEWBORN PHOTOS NG ANAK NI WINWYN MARQUEZ NA SI BABY LUNA RITO: