GMA Logo David Licauco
Source: davidlicauco/IG
What's on TV

Fans ng 'Maria Clara at Ibarra,' nahalungkat ang lumang tweets ni David Licauco tungkol sa Rizal Studies class

By Marah Ruiz
Published February 17, 2023 10:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Nahalungkat ng 'Maria Clara at Ibarra' fans ang ilang tweets ni David Licauco tungkol sa kanyang Rizal Studies class.

Tila nagkaroon ng throwback sa kanyang buhay estudyante si Pambansang Ginoo David Licauco.

Ilang tweets kasi mula 2013 ang nahalungkat ng fans ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Noong nag-aaral pa kasi si David, hindi niya napigilang mag-share ng saloobin tungkol sa kanyang Rizal Studies class.

"Studying Jose Rizal's life for tomorrow's finals. Ano makukuha ko dito," tweet niya.

"Hassle JoseRiz. What do we care about Jose Rizal's girls and vices," lahad pa niya sa isa pang tweet.

Dahil dito, inihambing siya ng mga manonood kay Klay, ang karakter ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa Maria Clara at Ibarra.

Ipinasok kasi siya ng kanyang Rizal Studies teacher na si Mr. Torres, played by Lou Veloso, sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal dahil sa magkikibit-balikat niya sa kahalagahan ng buhay at mga obra ni Rizal.

Source: davidlicauco/IG

Inihalintudad din nila ito sa isang fan theory na hindi bahagi ng mga nobela si Fidel dahil isa ring itong estudyante na ipinasok ni Professor Torres sa libro para turuan ng leksiyon.

Nasa huling dalawang linggo na nito ang Maria Clara at Ibarra at excited na si David na makita ng mga manoood ang iba pang malalaking eksena na inihanda nila.

"Si Klay 'yung parang savior noong mga masasamang nangyari. Hindi pa rin naman nawala 'yung kuwento, kumbaga talagang pinalitan lang ni Klay 'yung mga masasamang nangyari," lahad ni David.

Isang twist daw ang maaasahan sa nalalapti na pagtatapos ng serye.

"'Yung parang twist ng story? Maganda rin kasi kung may redeeming side 'di ba?" matalinghagang sambit ng aktor.

Pero pagdidiin niya, magiging satisfying para sa lahat ng fans ang magiging ending ng Maria Clara at Ibarra.

"Marami pa silang aabangan kasi talagang extended kami--para sa mga fans din 'yun. I would say na maganda 'yung kakalabasan, kaka-ending-ngan ng Maria Clara at Ibarra at sa aming dalawa ni Klay," bahagi ni David.

Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.

Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.

SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: