
May bagong milestone na ise-celebrate ng Pamilya Manaloto this Saturday night dahil ang prinsesa nila, ganap ng dalaga!
Ngayong Miyerkules, October 9, may pasilip na ang multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa mangyayari sa grand debut party ni Clarissa (Angel Satsumi).
Kahit ang fans ng Pepito Manaloto, napa-throwback at natutuwa na makita ang paglaki ng anak nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa mga nagdaang taon.
Sa susunod na taon, ipagdiriwang ng flagship Kapuso sitcom ang kanilang 15th anniversary.
Sa ibang balita, itinanghal ang Pepito Manaloto bilang National Winner sa kategoryang Best Comedy Programme sa 2024 Asian Academy Creative Awards.
At kinilala naman ang Kapuso ace comedian na si Michael V. bilang Best Actor in a Comedy Role.
RELATED CONTENT: ANGEL SATSUMI'S BEAUTIFUL TRANSFORMATION