GMA Logo Glaiza De Castro, Rhian Ramos, RaStro fans
Source: Sparkle
What's Hot

Fans nina Glaiza De Castro at Rhian Ramos, nagpa-block screening para sa pelikulang 'I Fell, It's Fine'

By Kristian Eric Javier
Published April 5, 2026 3:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carlos Yulo, OAJLP Gymnastique advance to finals of Top 12 series in France
Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM
Creating with the boundless soul of an artist

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza De Castro, Rhian Ramos, RaStro fans


Excited na ang fans ng RaStro na mapanood ang kanilang pelikulang 'I Fell, It's Fine.'

Maraming fans ang na-excite sa muling pagbabalik-tambalan ng RaStro, o ang love team nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos sa GL o girls' love film nila na I Fell, It's Fine na napapanood na simula nitong Sabado, April 4.

Sa katunayan, ngayong Linggo (April 5), nagpa-block screening na ang RaStro ng kanilang pelikula sa Gateway Cineplex sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City. Dinaluhan ito ng fans at nina Glaiza at Rhian.

Sa Instagram post ni Rhian noong March 11, ibinahagi niya ang kaniyang excitement na mapanood na ng mga tao ang kanilang pelikula.

“I'm way too excited for people to see this movie I've been waiting for all decade long,” caption ni Rhian sa kaniyang post.

Kalakip ng kaniyang post ang ilang litrato mula sa naganap na press conference ng pelikula.

Taong 2024 pa lang nang unang ianunsyo na magbabalik tambalan na sina Glaiza at Rhian bilang isang love team. At ngayon, sa big screen na. Sa Instagram post ng Wide International Film Productions, ibinahagi nila ang ilang litrato mula sa first story conference ng pelikula.

Caption nila sa post, “Can you feel it?! I Fell, It's Fine, starring Glaiza De Castro and Rhian Ramos, directed by Sigrid Bernardo under Wide International, it's happening!”

Dagdag pa nila, “The long wait is over! #RaStro is back!”

Unang nagtambalan sina Glaiza at Rhian sa 2015 GMA series na The Rich Man's Daughter bilang lesbian lovers. Simula noon, maraming fans na ang humiling na muling mapanood ang dalawa sa isang GL na kwento.

Taong 2023 naman nang unang mapag-usapan ang tambalan ng dalawang aktres sa isang pelikula sa fan meeting ng mga bida ng Thai GL show na "Gap: The Series" na sina Freen Sarocha Chankimha at Becky Armstrong, na mas kilala blang FreenBecky, sa Araneta Coliseum.

KILALANIN ANG THAI GL LOVE TEAMS NA NAGBIBIGAY NG MAJOR KILIG VIBES SA GALLERY NA ITO: