
Inilabas na ang teaser video para sa inaabangang two-night concert nina Julie Anne San Jose at SB19's Stell, ang JulieXStell: Ang Ating Tinig, na gaganapin sa July 27 at 28 sa New Frontier Theater, Quezon City. Inside link:
Sa teaser video, talaga namang "slayed" ang dalawang bigating singers sa kanilang awrahan suot ang kanilang all-black outfit.
"Tara, soundtrip tayo. Sagot namin ang playlist mo," caption nina Julie at Stell sa kanilang teaser video.
Sa comments section, ipinarating ng fans ang kanilang excitement at anila ay hindi na sila makapaghintay para sa first concert together nina Julie at Stell.
Para sa tickets, maaaring bumili sa ticketnet.com.ph at sa lahat ng TicketNet otlets nationwide.
Nagkakahalaga ang tickets ng PhP1,500 (Balcony), PhP2,500 (Loge), 3,500 (Orchestra), PhP4,500 (VIP), at PhP6,500 (SVIP).
SAMANTALA, BASAHIN ANG ILANG REACTION NG FANS SA UPCOMING CONCERT NINA JULIE ANNE SAN JOSE AT SB19'S STELL SA GALLERY NA ITO: