Showbiz News

Sheena Halili launches own line of swimwear

Noong nakaraang buwan pa tini-tease ni Kapuso actress Sheena Halili ang tungkol sa kanyang upcoming swimwear line. 

Ayon sa aktres, noon pa raw niya pinapangarap magkaroon ng sarili niyang brand ng mga swimsuits. Tinawag niyang Just Yve Swimwear ang kanyang bagong negosyo. 


Isang patikim sa mga disenyo ang ibinigay ni Sheena nang magbakasyon sila ng kanyang kaibigan at kapwa aktres na si Katrina Halili sa Palawan. Parehong mula sa Just Yve ang suot nilang mga one piece swimsuits.

 

Ngayon, inilabas na ni Sheena ang iba pang mga disenyong available sa Instagram account na @justyveswimwear. Siya na rin ang nagsilbing model para sa ilang mga style nito.

Samantala, abala rin si Sheena sa kanyang GMA Telebabad series na Destined To Be Yours. Abangan ito Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Mulawin VS Ravena.