Showbiz News

WATCH: Marian Rivera at Julie Anne San Jose, paano pinaghahandaan ang kanilang OOTD?

By Bea Rodriguez

 

Kapansin-pansin ang sophisticated fashion pieces na isinusuot ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa kanyang shows at travels.

Mamahalin at galing sa mga bigating designer houses ang pinagbibilhan ng Kapuso star para sa kanyang outfits. “Hindi ako fashionista talaga pero kung ano ang gusto ko, isusuot ko iyan [at] bibilhin ko. At saka depende rin sa mood ko sa araw na iyon,” saad niya.

 

Maraming looks naman ang pinag-e-eksperimentuhan ni Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose dahil sa iba’t ibang style na pinapauso ngayon.

“Maraming trends ngayon, maraming mga bagong dumarating so lahat naman [ay] tina-try [ko]. We always try to innovate ourselves,” pahayag niya.

Mga Kapuso, meron na kayong ideya kung paano paghandaan at pagplanuhan ang inyong mga OOTDs galing mismo sa inyong mga iniidolo.

Panoorin ang kabuuan ng Unang Balita report at alamin ang OOTD styles ng iba pang Kapuso stars.