Showbiz News

Martin del Rosario, bilib sa appealing style ng fashionable PPEs

By Dianara Alegre

Ni-level up na ng ilang Kapuso celebrity ang kanilang personal protective suit (PPE) dahil bukod sa safety standard nito, ginawa rin itong fashionable bilang bahagi ng “new normal.”

Pinangunahan ito nina Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista at Kapuso hunks Martin del Rosario, at Joel Palencia.

Ayon kay Martin, na napasabak din sa pagmo-model ng PPE, hindi niya inaasahan na maaari palang maging stylish ang protective suits laban sa COVID-19.

“Sobrang excited ako nu'ng habang sinusuat sa 'kin isa-isa 'yung PPE kasi maganda talaga siya. Iba't iba 'yung mga kulay, mga pattern, 'yung mga tela iba't iba.

“Sobrang stylish niya. Hindi ko na nga inakala na ang PPE pala puwedeng ganito kaganda para outfit.

“Ginawan niya ako ng design na may GMA kasi proud Kapuso ako,” sabi pa ni Martin.

Para naman kay Joel, siguradong magugustuhan ito ng mga fashion forward people.

“Hindi lang siya basta normal na PPEs. Talagang makikita mo na mayroong sense of fashion na puwede mong i-present sa lahat ng mga makakasalumuha mo.

“Siyempre, bagay na bagay siya sa mga taong fashionista,” aniya.

Martin del Rosario flaunts fashionable PPEs


Samantala, hindi rin nila pinalagpas ang quarantine period para mas bigyan ng panahon ang kanilang mga pamilya at sarili.

Kahit nasa bahay ay aktibo pa rin sila sa pagwo-workout at 'tila mas ginanahan pa silang ma-achieve ang kanilang body goals.

“Sa pagwo-workout, hindi na ako makakapunta ng gym gaya ng dati so kung ano lang 'yung puwede kong gawin na workout everyday, 'yun 'yung ginagawa ko,” lahad ni Joel.

Consistency naman ang pinananatili ni Martin pagdating sa kanyang workout at eating habits.

“Masaya ako sa progress ngayon ng katawan ko dahil pinaghirapan ko talaga ang nakikita ko na talaga 'yung difference noon at saka ngayon.

“Mas may cuts na ngayon, mas defined na pero tingin ko kulang pa kaya everyday tuluy-tuloy pa rin ako sa workout and consistent 'yung diet ko,” dagdag pa niya.

Panoorin ang buong 24 Oras report: