Showbiz News

Allen Ansay at Sofia Pablo, present sa Preview Ball 2022

By Jimboy Napoles

Dumalo ang lead stars ng Luv Is: Caught In His Arms na sina Allen Ansay at Sofia Pablo sa katatapos lang na prestihiyosong Preview Ball 2022.

Stylish ang naging look ni Sofia sa kanyang curly and ash blonde hair suot pa ang isang yellow dress na may disenyong malaking laso sa harapan na gawa ng fashion designer na si AJ Javier.

Sa Instagram, agad na ipinost ni Sofia ang ilan sa mga larawan ng kanyang stylish look. "Keep it pretty, pretty savage," caption ni Sofia.

Hindi rin nagpahuli ang on-screen partner ni Sofia at young heartthrob na si Allen sa fashion looks ng celebrities sa ball na nagsuot ng isang pastel blue dapper suit.

"Boy with luv #PreviewBall2022," caption naman ni Allen sa kanyang post.

Sa isang Instagram story naman na ipinost ni Allen, makikita ang sweet moments nila ni Sofia habang nasa nasabing ball.

Nahuli rin ng showbiz correspondent na si Aubrey Carampel ang kilig moment ng dalawa habang nasa red carpet na agad din nitong ipinost sa kanyang Instagram Story.

Samantala, mapapanood naman sina Allen at Sofia sa upcoming kilig series ng GMA na Luv Is: Caught In His Arms kasama ang mga bagong Kapuso stars at Sparkle GMA Artists mula sa Sparkada na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos.

TINGNAN ANG ILANG SWEET PHOTOS NINA ALLEN AT SOFIA SA GALLERY NA ITO: