
Exciting Monday ang mapapanood sa Family Feud dahil magtatapat ang two powerhouse teams ngayong August 25.
Sa episode na ito, masasaksihan natin ang fierce and fearless female bodybuilders at ang world-class sepak takraw national athletes na nagbibigay ng karangalan sa ating bansa.
Bukod sa tapatan nila sa Family Feud stage, aabangan din ang pag-flex ng biceps and muscles ng Muscle Sirens at magpapakita ng skills ang national athletes gamit ang official sepak takraw ball.
Mula sa team Muscle Sirens maglalaro ang pros na nag-compete sa Women's Bikini category. Isa itong sport discipline na recognized ng International Federation of Bodybuilding & Fitness.
Si Marianne Ramolete, 2021 WFF Women's Figure Champion at 2025 Warriors Classic Women's Figure silver medalist ang magiging leader ng Muscle Sirens. Sasamahan siya ng architecture graduate and fitness instructor na si North de Guzman; Ilonggo law student and certified personal trainer/health & wellness coach na si Jona Antiquiera; at si Sharon Sarreal mula sa Cebu City na 3rd placer sa the IFBB Phils Boracay Bodybuilding & Fitness Championship.
INSET:
https://drive.google.com/file/d/148HLjdHeUon79KpfyD4yKgvyUERH0JLx/view?usp=sharing
https://drive.google.com/file/d/1mZAkHNWkj6XdetWj46EBi0a2U3etcU0j/view?usp=sharing
IAT: Family Feud
Ang Sepak Takraw Philippines team naman ay ang mga athletes na naghahanda para sa December 2025 SEA Games sa Thailand.
Ang leader ng team na maglalaro sa Family Feud ay ang spiker at newly minted secondary school teacher na si Kristine Lapsit; bronze medalist sa men's quadrant event ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China, at teammate ni Kristine sa silver-winning run sa 2023 SEA Games sa Cambodia, ang feeder na si Vince Torno; bronze medalist ng 2024 Citizen Sports Games sa Taiwan at multi-medalist at the 2023 Asian Sepak Takraw Championship na si Kristal Dahlen; at ang 2019 SEA Games gold medalist and current coach ng national team na si Coach Emman Escote.
Sa episode na ito, i-a-announce na rin ang winners unang linggo ng "Guess More, Win More" promo. Alamin sa Family Feud kung sino-sino ang mga masuswerteng makakapag-uwi ng PhP10,000 at ang isang winner ng PhP100,000.
Fantastic battle, incredible demonstrations, at pangalan ng mga lucky winners ang aabangan sa Family Feud ngayong August 25, 5:40 p.m. sa GMA.
Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa "Guess More, Win More" promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: