
Isang kilalang drama actress ang nagkaroon umano ng hindi magandang karanasan noon sa isang guesting.
Sa kanyang recent podcast interview, inalala niya ang tungkol dito at inilahad niya ang naramdaman niya noong nakaranas siya ng unfair treatment mula sa production team.
Pagbabahagi niya, “Puyat ako noon galing taping, tapos ang call time was 11 ng tanghali sa may Pasay… Andon kami noon [kahit puyat]...”
“Sabi ko parang mag-aala-una na wala pa rin. Malaman-laman namin ni Mama may inunang guest,” dagdag niya.
Binigyang-diin niya sa interview ang kahalagahan ng respeto sa call time at fair treatment sa trabaho.
Nabanggit din niya na hindi magandang mayroong favoritism.
Sa huli, ibinahagi niya na kasunod ng pangyayaring ito ay humingi ng tawad sa kanya ang host at production staff ng programa.
Ang female celebrity ay mayroong upcoming series kung saan kasama niya ang isa sa mga hinahangaan niyang batikang artista sa Philippine entertainment industry.
Sino kaya ang drama actress na ito?