
Mapapanood na simula ngayong gabi, February 8, sa GMA Heart of Asia ang pagpapatuloy ng kwento ng South Korean surgeon na si Master Kim na ginampanan ng aktor na si Han Suk-kyu sa multi-awarded series na The Romantic Doctor 2.
Pagbibidahan din ito ng award-winning actors na sina Ahn Hyo-seop bilang si Dr. Wesley So at Lee Sung-kyung bilang si Dr. Emily Cha.
Bukod dito, tampok din sa The Romantic Doctor 2 si Cherish Maningat, isang Filipina actress na naninirahan sa South Korea sa loob ng 14 taon.
Nang makapanayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Cherish na dream come true raw ang makatrabaho ang idol niyang si Lee Sung-kyung.
Source: cherish_unni (Instagram)
“Nakiki-upo siya sa floor tapos talagang 'yung heart niya na makipagkwentuhan 'tsaka 'yung mga pinagdadaanan ko po noon kinuwento ko sa kanya. Tapos siya nagbibigay siya ng advice, nag-pray kami together,” aniya.
Hindi lang ang aktres ang nakausap ni Cherish dahil maging si Master Kim o Han Suk-kyu ay nakakuwentuhan na din niya.
“Parang nagtatanong siya, 'Paano ka nakarating dito sa Korea?'
“May ganun po siya na parang kuwentuhan lang na parang ang light light lang to think na napakabeterano na po niya na aktor,” sabi pa niya.
Abangan si Cherish, ang pagbabalik ni Han Suk-kyu bilang Master Kim at ang award-winning na pagganap nina Ahn Yeo-seop at Lee Sung-kyung sa The Romantic Doctor 2 simula February 8, 10:20 p.m. pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA.
Samantala, kilalanin ang ibang cast ng serye sa gallery na ito: