GMA Logo family feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Filipino martial artists, stunt directors, performers, and coaches, may action-packed tapatan sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 15, 2026 10:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

New Voices Breaking Barriers: GMA Lifestyle Launches Young Achievers Series Podcast
BigBang is coming to Manila in 2027
NorthMin cops told to stay neutral online amid Duterte trial

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Abangan ang Team Pinoy Trickers at Muay Thai Masters ngayong July 15 sa 'Family Feud.

Action-packed ang Wednesday episode ng Family Feud dahil maghaharap ang dalawang grupo ng Filipino martial artists, stunt directors, performers, and coaches.

Ngayong July 15, maglalaro ang Team Pinoy Trickers na binubuo ng mga atleta at performers na eksperto sa tricking. Ang tricking ay isang sport na pinagsasama ang martial arts, gymnastics, at dance para makagawa ng mga nakakabilib na aerial moves at acrobatic routines.

Maglalaro sa grupo si Jori Villaraza, tricking practitioner of 15 years, coach, stunt director and coordinator na naging bahagi ng mga proyektong Black Rider, Lolong, at Voltes V: Legacy The Cinematic Experience. Isa rin siyang medalist sa jiu-jitsu sa 2023 Southeast Asian Games.

Kasama rin niya sina Ainge Datiles, isang coach na mahigit sampung taon nang nasa tricking; Matt Tirador, isang gym coach na pitong taon nang practitioner ng tricking; at Mark Bahian, isang stunt coordinator na kabilang din sa mga production ng Lolong, Black Rider, at Voltes V: Legacy.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Makakatapat nila ang Muay Thai Masters na binubuo ng mga coach at stunt performer na matagal nang nagsasanay sa Muay Thai.

Kabilang sa team sina Felix Victor Cawit, isang stunt coordinator at performer na lumabas na rin sa mga serye at pelikulang gaya ng Lolong at Black Rider; John Rendel Ramos, isang Muay Thai coach na nagtuturo sa mga baguhan; at mga stunt performer na sina Reymark Estrella at Armando Buscato.

Tutok na sa action-packed fresh episode ng Family Feud ngayong July 15, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.